Monday , December 23 2024

2016 polls kapos na sa panahon – Bautista

AMINADO si Comelec Chairman Andres Bautista na pinapaspasan nila ang mga trabaho ngayon sa poll body dahil kinakapos na sila sa election preparation.

Ayon kay Bautista, may mga ginagawa silang konsultasyon para matiyak na matutuloy ang halalan kahit naibasura ang Comelec-Smartmatic deal para sa repairs ng PCOS machines.

Sinabi ng opisyal, malaking hamon ang paghawak niya ng tungkulin sa komisyon kaya kailangan niyang magpursige.

“May ibang proseso po tayong inihahanda para sa halalan, pero ito ay may sapat na konsultasyon sa stakeholders,” wika ni Bautista.

Mataas aniya ang kompyansa niya sa kanilang mga tauhan na magagawa ang repair sa mga PCOS sakaling tuluyan nang hindi mapagbibigyan ang nais nilang magkaroon ng hiwalay na kompanyang hahawak ng maintenance ng mga makina.

“Parang TV repair po ‘yan e. Pwede mong ipagawa sa mismong kompanyang gumawa ng TV, pero pwede rin ipagawa sa ibang may kaalaman sa pagre-repair nito,” dagdag ng Comelec chairman.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *