Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Balik eskuwela at ‘no collection fee’ sa enrollment

00 pulis joeyTATLONG linggo nalang at balik-eskuwela na ang ating mga anak.

Ayon sa DepEd, ang simula ng klase sa pampublikong paaralan ay Hunyo 1.

At ma programa ngayon ang DepEd. Ito’y ang ‘Balik Eskuwela’.

Hinihikayat ng DepEd ang mga batang natigil sa pag-aaral na magbalik-eskuwela para magkaroon ng magandang kinabukasan.

Oo nga naman… dapat talagang hikayatin ng ating mga magulang partikular ni nanay ang kanyang anak na mag-aral, magtapos ng pag-aaral hanggang kahit sa technical course, upang magkaroon ng kapital sa kanilang kinabukasan.

Dahil kung ang mga college graduate at lisensiyadong propisyunal ay hirap makapasok ng trabaho, ano pa kaya ang mga hindi nakapag-aaral?

Kaya naman, muling ipinag-utos ng DepEd ang ‘No Collection Fee’ sa enrollment days.

Ang singilin sa PTA (Parents and Teacher’s Association) ay sa kalagitnaan na ng school days singilin.

Ang collection sa PTA ay walang kinalaman ang DepEd, ito’y para sa asosasyon ng mga magulang at titser.

Ang tungkol sa Boys/Girls Scouts, hindi ito compulsary kundi contribution lamang.

Oo nga pala, may bahagi ba ang DepEd mula sa binabayarang Boys/Girls Scouts? Ano ang pakinabangan ng mga paaralan dito? Tumutulong ba sila sa improvements ng edukason o para sa mga bulsa lamang nilang mga namamahala sa Boys/Girls Scouts of the Philippines?

Kontrobersiyal ngayon itong BSP na ito ha? Daan daang milyones na pera ang hinahanap dito. At si Vice President Jojo Binay ang iniimbestigahan. Kasi nga siya ang presidente sa loob ng ilang dekada hanggang ngayon.

Bakit ganun, halos lahat yata ng pinamunuan ni Binay ay may isyu ng katiwalian?

Ipaliwanag mo nga ng mabuti ito, VP Binay, para mabura na sa isipan ng mga naghihinalang isa kang mandarambong  at maibigay sayo ang bawat sagradong boto ng mamamayan sa 2016…

Balikan natin ang ‘No Collection Fee’ sa enrollement, our dearest prinscipal… ipatupad nyo po ito neh…

At sa mga mahal na kabataan, mag-aral po tayo ng mabuti. Libre ang edukasyon. Ito ang kapital ninyo sa inyong mga ambisyon sa buhay. Let’s do it!!!

Davao City, No. 9 safest city sa buong mundo!

Congratulations to may kumpadre Rodrigo “Digong” Duterte, Mayor of Davao City and next president of the Philippines…

Dahil sa mahigpit na pagpapatupad niya ng peace and order at pagdisiplina sa kanyang mamamayan, ang Davao City ay pangsiyam ngayon sa Safest City sa buong mundo, ayon sa ranking ng Numbeo.com.

Ang Davao City rin ang tinaguriang most child-friendly sa buong bansa. Ibig sabihin ay napakabababait ng mga bata sa lungsod ni pareng Digong!

Ayon sa Numbeo, ang Davao City ay may safest index of 80.69 o may crime index na 19.31.

Ang No. 1 sa safest city ay ang lugar namin sa Osaka, Japan. Hehehe. Sumunod ang Munich, Germany na bayan ni pareng Jerry Yap; Stavanger, Norway na pinanggalingan naman ni pareng Benny Antiporda; Singapore, Singapore na bayan ni NPC President Joel Igco; Bursa, Turkey; Heidelberg, Germany; Seoul, South Korea; at Bergen, Norway.

Tara nang pasyalan ang mga lungsod na ito… Pero dito muna tayo sa Davao City, ang lungsod ng susunod na presidente ng Pilipinas. Yahooo!!!

Pareng Digong, kumusta na nga pala ang ating kumpareng Konsehal Edgar Ibuyan dyan?

Fight na sa 2016!

 
 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …