Monday , December 23 2024

Recruiters ni Mary Jane kakasuhan na

050215 de lima acosta sergio veloso

PINAKAKASUHAN na ng Department of Justice (DoJ) sa korte ang mga recruiter ng drug convict sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.

Sa rekomendasyon, tinukoy ng lupon na may sapat na basehan para kasuhan ng illegal recruitment si Maria Kristina Sergio at kinakasama niyang si Julius Lacanilao.

Bukod sa pamilya Veloso, nagbigay rin ng testimonya ang anim katao upang mapagtibay ang mga alegasyon laban sa dalawang suspek.

Una rito, sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, may hawak silang mga ebidensya na magpapatunay na naging drug mule sina Sergio at Lacanilao bago sila naging illegal recruiter.

Patuloy na naghahanap ng mga testigo ang DoJ upang matunton kung anong sindikato ang may hawak sa kanila.

Humarap para sa panig ng mga suspek ang dalawang abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO).

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *