Monday , December 23 2024

PNoy sinalubong ng protesta sa Chicago

021415 PNoy malacanan

SINALUBONG ng kilos-protesta ng militanteng grupong Anakbayan si Pangulong Benigno Aquino III sa labas ng JW Marriot Hotel sa Chicago, Illinois, USA kahapon at hiniling na magbitiw na siya sa puwesto

Kaya sa pagtitipon ng Filipino community sa naturang hotel ay nagsumbong sa kanila ang Pangulo na habang papalapit ang 2016 elections ay tumitindi ang pag-iingay ng kanyang mga kritiko.

Aniya, may isang grupo na ang tanging trabaho ay batikusin siya at maging ang pagkatalo ng pambansang kamao kamakailan kay Mayweather ay sa kanya pa sinisisi, bukod pa sa mga pagbaha at trapiko.

Ayon sa Pangulo, hindi siya napipikon sa mga batikos na ito dahil ito talaga ang trabaho ng nasabing grupo na batikusin lamang siya.

“Meron talagang mga kampong ang trabaho lang ay bumatikos sa akin, at hanapan ng mali ang bawat kilos natin. Kung bumuhos ang malakas na bagyo, kasalanan ko. Kung mag-traffic sa EDSA, kasalanan ko. Kahit nga raw po ‘yung pagkatalo ni Manny Pacquiao sa kanyang laban kamakailan, kasalanan ko rin. Sa totoo lang ho, marami ang nagtataka, bakit daw hindi ako napipikon. Sabi ko, kung talagang trabaho na ng ilan ang pang-aalipusta, siguro ho, dadagdag pa sila sa employment statistics natin, okay na rin ho sa atin ‘yan,” wika ng Pangulo.

Tila nangampanya ang Pangulo para sa kanyang mamanukin sa 2016 presidential derby nang manawagan na dapat ay tumulong ang mga Filipino roon na tiyakin na maipagpapatuloy ang mga pagbabagong ipinunla ng kanyang administrasyon at huwag magpalinlang sa mga nag-iingay para magbalik ang bulok na sistema sa bansa.

Nauna rito ay nakipagpulong ang Pangulo sa mga negosyanteng miyembro ng US Chamber of Commerce upang hikayatin sila na maglagak ng puhunan sa Filipinas.

Pagkagaling sa Chicago ay didiretso siya sa Canada para sa kanyang state visit at inaasahang babalik sa Filipinas sa Linggo.

(ROSE NOVENARIO)

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *