MASASABING biggest break ni Matteo Guidicelli ang pelikulang Tupang Ligaw ng BG Productions International. Ayon sa line producer nitong si Dennis Evangelista, marami silang aktor na pinagpilian, ngunit sa bandang huli ay si Matteo ang kanilang naging choice.
Ang Tupang Ligaw ay isang action-drama na isinulat at ididirek ng komiks novelist na si Rod Santiago na nagpasikat ng mga nobelang tulad ng Agua Bendita, The Sisters, Buhawi Jack, Mana sa Ina, Ang Babaing Nawawala Sa Sarili at ang Bad Boy na nagpasikat kay Robin Padilla.
Naniniwala ang produ-cer nito na si Ms. Baby Go na ang pelikulang ito ang mag-e-establish kay Matteo bilang action star.
“Oo, naniniwala ako na posibleng eto ‘yung magdadala sa kanya para roon. Kasi, mati-tinding action ang mapapanood talaga rito, e.”
Lalo kayang mai-in-love si Sarah Geronimo niyan kay Matteo, kapag nakita niya itong humahataw sa mga action scenes?
“Sure ako d’yan, lalong mai-in-love sa kanya si Sarah kapag nakita siya rito sa movie. Kasi, action star na siya, e,” nakangiting saad ni Ms. Baby.
Ang naturang pelikula ay ukol sa isang militar na hinahanap ang kanyang nakababatang kapatid na napadpad sa isang liblib na lugar na kontrolado ng local kingpin na tinatawag na El Diablo. Gagampa-nan ni Paolo Contis ang papel na kontrabida sa pelikulang ito.
Kabilang din sa cast sina Bangs Garcia, Rico Barrera, ang child actor na si Francis Ryan Lim, at iba pa. Kabilang sa mensahe ng Tupang Ligaw ang hinggil sa pagiging responsableng gun-owner at ang anti-violence advocacy nito.
Ms. Baby Go, proud sa mga pelikula ng BG Productions
IPINAGMAMALAKI ni Ms. Baby Go ang mga pelikulang nakatakda na naman nilang gawin. Kasalukuyan nilang niluluto ang dalawang proyekto, ang Tupang Ligaw at Tres Marias.
Ipinahayag ng lady boss ng BG Productions International na si Ms. Baby na itinuloy nila ang pagsasapelikula ng Tupang Ligaw, ngunit nagpalit sila ng cast nito. Hindi raw kasi puwede ang dating gaganap na bida rito dahil sa pagiging abala sa kanyang business, kaya ang BF ni Sarah Geronimo na si Matteo ang kinuha nila para maging bida rito. Kabilang din sa cast sina Bangs Garcia, Rico Barrera, Francis Ryan Lim, Paolo Contis at iba pa.
“Very proud ako at nag-een-joy ako sa ginagawa ko, masaya ako,” saad ni Ms. Baby. Dagdag niya, “Hopefully, mga pang-awards na movie ito. Kasi, ang gusto talaga natin ay makapagbigay ng aral sa viewers. Kaya ang mga pelikulang ginagawa namin, mga adbokasiya talaga.”
Ang Tres Marias naman ay kuwento ng tatlong kabataan na matalik na magkakaibigan na kapwa nabuntis at nagsipag-asawa sa murang gulang, sina Aleta, Suzette, at Rosanna. Sila’y nakatira sa isang isla na walang eskuwelahan at malayo sa sibilisasyon. Sa lugar nila, kapag tumungtong sa edad na eighteen ang isang babae na wala pang asawa, itinuturing na nila ito bilang isang ‘matandang dalaga.’
Si Joel Lamangan ang direktor nito at pinili nila ng BG Productions ang mga child actress na mahuhusay. Gaganap bilang Tres Marias, sina Barbara Miguel (Best Actress sa 8th Harlem International Film Festival-Nuwebe), Angelie Nichole Sanoy (bida sa Magic Palayok at nanalo ng Breakthrough Performance sa Golden Screen Awards para sa Patikul) at Therese Malvar (Best Actress sa 1st Cine Filipino Film Festival).
Bukod sa Tupang Ligaw at Tres Marias, tapos na rin nilang gawin ang Homeless na tina-tampukan nina Ejay Falcon, Snooky Serna, at iba pa. Katatapos lang din ng Child Haus nina Miggs Cuaderno at Therese Malvar, pati na ng pelikulang Dalu-yong na pinagbibidahan naman nina Allen Dizon, Diana Zubiri, Aiko Melendez, Eddie Garcia, Ricky Davao, at iba pa.
Patunay lang ito sa ipinahayag noon na commitment ni Ms. Baby sa showbiz industry na makagawa ng matitinong advocacy films at makatulong magbigay ng trabaho sa mga taga-industriya ng pelikula.
ni Nonie V. Nicasio