Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja Salvador pahinga muna sa lovelife

 ni Peter Ledesma

031215 Maja Salvador

Pagdating sa break-up nila ni Gerald Anderson, na matagal-tagal na rin, no comment o ayaw magsalita ni Maja Salvador. Mas maganda nga naman kung manahimik na lang ang nasabing aktres kasi once na magbigay siya ng statement ay lalaki lang ang isyu. Saka naging

Maayos naman raw ang paghihiwalay nila ni Gerald kaya wala nang dapat pang pag-usapan lalo pa’t unti-unti nang nakapagmo-move on ang dalawa. No comment na rin si Maja sa pagkaka-link ngayon ng ex boyfriend actor kay Janice de Belen. Pagdating sa kanyang lovelife ay di raw ito prio-rity ngayon ni Maja mas tutok ang dalaga sa kanyang career. Kasama sa mga top-rater show ng ABS-CBN ang pinagbibidahan nilang teleserye nina Jericho Rosales at Paulo Avelino na “Brid-ges of Love.” Lalo na ngayong kaabang-abang ang eksena dahil si Gael (Jericho) ang hinahanap-hanap ng puso ni Maja bilang Mia sa serye kahit na nariyan na sa buhay niya si Carlos (Paulo) na handa siyang pakasalan. Agaw-eksena rin ang mga character dito nina Carmina Villaroel at Antoniette Taus na pare-parehong kinamamatayan sina Gael at Carlos.

Napapanood ang Bridges of Love gabi-gabi pagkatapos ng Forevermore Sa Kapamilya network.

NATHANIEL, INDAY BOTE AT YAMISHITA’S TREASURES NG DREAMSCAPE ENTERTAINMENT PAREHONG MGA WAGI SA RATINGS

Last Sunday ay nagtala ng 26.3% na rating mula sa Kantar Media National Ratings sina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang pinagbibida-hang magical summer series sa Wansapanataym na “Yamishita’s Treasures.” Every Sunday lahat ng fans nina Coco at Julia ay nakatutok talaga sa kanila dahil inaabangan ang pag-amin ni Julia sa nararamdaman kay Coco. Kahit sa telebisyon ay umaasa sila na magkakatuluyan ang dalawa dahil ‘yan ang pangarap nila para sa kanilang mga idolo. Siyempre lahat ng mga eksena sa Yami-shita’s Treasures ay feel na feel rin panoorin ng lahat dahil parang nanonood ng isang fantasy movie. Napapanood ang nasabing series tuwing Linggo sa ganap na 6:45 PM pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa Kapamilya network.

Panalong-panalo rin sa ratings game ang “Inday Bote” ni Alex Gonzaga. Sa latest survey ay nakakuha ito ng 19.5%. Sa pagpapatuloy ng fantasy drama series ay galit ang nararamdaman ngayon ng mga manonood ng serye kay Aiko Melendez bilang Fiona na contravida sa buhay ni Inday. Na dahil sa pansari-ling interes ay grabe kung apihin si Inday.

Dahil ayaw palampasin ng lahat ng mga manonood ang mga susunod pang maitim na plano ni Fiona, sa favorite nilang si Inday na ngayon ay unti-unti nang nalalaman ang mga sikreto sa buhay ng dalaga na siya ang matagal nang hinahanap na apo ng Donyang si Lita Vargas (Alicia Alonzo).

Kaya’t gagawin ang lahat para harangan na mabunyag ito pero ang tanong ay magtagumpay naman kaya siya?

Sa totoo lang isinusumpa na ang character ni Fiona sa serye, isa lang ang ibig sabihin nabibigyan niya ng justice ang kanyang role at effective siyang contravida. Ngayong Linggo ay patuloy din kayong pakikiligin nina Inday at Greg Navarro (Matteo Guidicelli).

Ang mga kaibigang duwende ni Inday hanggang saan naman ang magagawa ng kapangyarihan para iligtas ang da-laga sa kasamaan ni Fiona.

Pakatutukan lagi ang nakaaaliw, nakakikilig at naka-i-inlove na kuwento ng Inday Bote gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol. Ito’y sa ilalim ng direksyon nina Jon Villarin at Malu Sevilla.

Samantala, hindi rin nagpapahuli ang pinakabagong inspirational drama teleserye ng Dreamscape na “Nathaniel” na buong bansa ay gabi-gabi itong niyayakap at minamahal. Noong Lunes ay nagkamit ng 35.4% na rating ang Nathaniel na nadiskubre na ni Abner (Benjie Paras) na ang anak-anakang si Nathaniel (Marco Masa) ay isa pa lang Ang-hel.

Nakita ito ni Abner nang iligtas ni Nathaniel ang isang manggagawa na mahuhulog sa ginagawang building. Taglay ni Marco ang lahat ng katangian ng isang guardian angel, guwapo palangiti, mabait sa lahat at walang masamang tinapay sa kanya at higit sa lahat, ang mailapit muli ang tao sa Diyos. Abangan si Nathaniel sa iba pang misyon sa lupa. Napapanood ang Nathaniel Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …