ni Dominic Rea
HINDI pa man nasusulat ang isyung kinasangkutan nina Gerald Anderson at Janice De Belen ay nauna na po namin itong nalaman sa isang reliable person. Pero bilang respeto sa mga artistang involved ay nanatili kaming tahimik sa isyu at hinayaang somebody will write about it at pumutok nga ang balita.
Ang sa amin lang, totoo man ito o hindi, sino ba tayo upang husgahan ang dalawang kampo? Nakakasama ba natin silang dalawa sa araw-araw?
Kung sabagay, sa showbiz, parang normal na lang ang ganyang sitwasyon, ang pasalin-salin ng jowa! Siguro, kung nangyari ito na walang karelasyon ang lalaki ay okey lang dahil alam naman nating ang babae ay wala naman yatang karelasyon din.
The matter of fact, nangyari raw ito habang ongoing ang relasyong Maja Salvador at Gerald? Delicate ang isyu kaya naman medyo dehado para sa amin si Maja na isang mabait na kaibigan at marespeto. Pero sa mundong pareho nating ginagalawan, bago pa ba ang salitang “what’s new? “??????