Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FEU prof natagpuang patay

050815 dead

NAAAGNAS na ang katawan ng isang 50-anyos professor ng Far Eastern University (FEU) nang matagpuan sa kanyang inuupahang kuwarto kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 10 p.m. nang matagpuang walang buhay ng kanyang mga kapwa professor na sina Hector Perez at Raul Gana, ang biktimang si Reynaldo Concepcion sa inuupahan niyang Room 2-4, 956 Paquita St., Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay si Concepcion nitong Lunes ng hapon ni Adrian Valeriano, kapitbahay ng biktima.

Walang nakitang ano mang sugat sa katawan ng biktima maliban sa impormasyon na dalawang taon na niyang iniinda ang sakit niya sa prostate.

Ayon kina Perez at Gana, tinatawagan nila ang biktima sa cellphone ngunit hindi sumasagot kaya pinuntahan nila sa inuupahang kuwarto.

Nang hindi magbukas ng pinto ay humingi sila ng tulong sa barangay para puwersahang buksan ang silid. Nang mabuksan ang kuwarto ay tumambad sa kanila ang wala nang buhay na biktima.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Rich Funeral para isailalim sa awtopsiya. (LEONARD BASILIO, may dagdag na ulat sina MARY JOY SAWA-AN, DARWIN MACALLA, at JOSHUA MOYA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …