Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edna, OFW movie ng taon!

050815 edna

UMANI ng papuri ang matagumpay na sneak preview ng Edna kamakailan na ginanap sa Metropolitan Museum. Marami rin ang humanga sa tapang ng pelikulang naglalahad ng kuwento ukol sa Overseas Filipino Worker (OFW).

Dinaluhan ito ng mga lead cast na sina Irma Adlawan, Ronnie Lazaro, Kiko Matos, producer Tonet Gedang, Cherrie Gil, Mon Confiado, Ma. Isabel Lopez, Gloria Sevilla, Suzette Ranillo, Art Acuna, Ms. Tina Colayco (MET Museum), Mr. Carlos Madrid (Instituto Cervantes),TV at movie press, representative mula sa DOLE, diplomats atbp..

Ang Edna ay tumatalakay sa kakaibang kuwento ng isang inang OFW at ang psychological effect ng mga kaganapan sa pamilya pagbalik ng bansa.

Handog ng Artiste Entertainment ni Gedang sa mga OFW, pamilya, at mga ina bilang pang post Mother’s Day movie. Ang Edna ay binigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board at mula sa direction ni Ronnie Lazaro.

“’Wag muna kaung tatayo after ng end credits o abangan ang final scene after credit,” ani Mr. Gedang.

Marami ring estudyante ang nanood at nagbigay ng magagandang komento sa ginanap na screening sa UP Los Banos at sumang-ayon sila na ang Edna ay ang OFW movie ng taon. “The kissing was real!; “Wasak sila”; “You have a murderous mind”; “Labis akong nagandahan sa pelikulang ito”; “Masasabi ko na isa ito sa mga produktong tunay na maipagmamalaki sa ibang bansa”; “Matitindi ang mga eksena”; “Malulupit ang mga dayalogo”; “Bawat maliit na galaw ay dunong na dunong ang mga panunumbalik na mga implikasyon,” komento ng mga UP student.

Magkakaroon ng special screening sa Instituto Cervantes (May 9) at sa UP Diliman Film Center ( May 18). Abangan si Edna sa mga sinehan simula sa May 20 at puwede na ring mapanood ang trailer sa Edna’s Facebook page http://www.facebook.com/Edna.Film2014. o mgbrowse sa Edna.Film2014.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …