Sunday , December 22 2024

BuB projects sa Davao Oriental, pakikinabangan ng marami — Roxas

050815 mar roxas

Kompiyansa si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nakatitiyak ang mga residente ng Barangay Sainz, Mati City sa ligtas at malusog na hinaharap matapos kilalanin ang matagumpay na proyekto na pinondohan ng DILG sa pamamagitan ng Bottom-up Budgeting (BuB) sa Davao Oriental.

“Lahat ng ating mga kababayan, ‘yung bawat buhay, ‘yung bawat tao at sanggol ang talagang ipinagdiriwang natin ngayon. It is their safety, their health care, and the well-being na sine-celebrate natin,” sabi ni Roxas nitong Martes matapos siyasatin ang Level III Potable Water System sa Purok Daisy, Bgry. Sainz, Mati City na pakikinabangan ng 385 kabahayan sa lugar.

Direktang naghahatid ng malinis at maiinom na tubig sa mga bahay ang Level III water system kompara sa communal wells (Level I) at communal faucets (Level II).

Naging posible ang P1-M halaga ng potable water system sa Performance Challenge Fund (PCF) na tinanggap ng Mati city government noong 2013 matapos pagkaloooban ng Seal for Good Local Governance ng DILG.

Isang financial subsidy facility ng DILG ang PCF upang maengganyo ang mga lokal na pamahalaan na pahalagahan ang transparency at accountability para makakuha ng pondo upang masustenahan ang mga inisyatiba sa sosyo-ekonomikong pagpapaunlad.

Pinasiyaaan din ni Roxas ang bagong tayong barangay health station sa Sainz na pakikinabangan ng 2,375 kabahayan. Ang P1.5M-health station ay proyekto ng Department of Health (DOH) na pinondohan sa ilalim ng BuB.

Mahigit 48 taon na walang health center ang Brgy. Sainz kaya nagpapasalamat ang mga residente sa pamahalaang Aquino na pinagbigyan ang kanilang kahilingan na magkaroon nito sa tulong ng DILG.

“Hanggang sa aming makakaya, susunod kami sa Pangulo, susunod kami sa Tuwid na Daan,” sabi ni Barangay Chairman Ega Valera na ikinatuwa rin ang ipinatayong operation center at demonstration farm sa lungsod na maaaring gawin ang livelihood at disaster preparedness trainings.

Ayon kay Roxas, may kabuuang P410M ang inilaan sa BuB projects sa Davao Oriental para mapadali ang serbisyo ng gobyerno sa lahat ng residente.

“Pinapatunayan nito na sa Daang Matuwid, ang serbisyo at impraestruktura ay dumarating at nakapagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan,” dagdag ni Roxas.

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *