ILOILO CITY – Umaabot na sa 11 ang bilang ng mga namatay dahil sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Rehiyon 6.
Base sa record ng Department of Health (DOH)-6 Regional Office, ito ay base lamang sa record simula noong Enero-Marso ngayong taon.
Sa pangkabuuan, umaabot na sa 807 ang kaso ng HIV/AIDS sa rehiyon.
Nangunguna sa may pinakamaraming kaso ang Lungsod ng Iloilo na may 220, at pumapangalawa ang Bacolod City na may 160.
Naalarma rin ang DoH dahil bumabata ang edad ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS na nasa 15-24 anyos at 90 porsyento rito ay mga lalaki.
Napag-alaman, ngayon taon lang, nasa 43 ang naitala na panibagong kaso ng HIV/AIDS at kabilang sa nagpositibo ay gmula sa Bureau of Jail Management and Penology.
Muling ipinaliwanag ng DoH ang kahalagahan nang maagang check-up para sa early detection ng HIV/AIDS lalo na sa mga sangkot sa “multiple sexual partner” at iba pang risk behaviors.