Monday , December 23 2024

Trillanes, Magdalo: K-12 Program itigil (Petisyon sa Korte Suprema)

NAGSAMPA ng Petisyon sa Korte Suprema si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, kasama sina Magdalo Representatives Gary Alejano at Francis Ashley Acedillo upang hilingin ang agarang pagpapatigil ng Republic Act 10533 o kilala bilang K-12 Law, na magdaragdag ng dalawang taon sa high school.

Sa Petition for Writ of Preliminary Injunction and/or Temporary Restraining Order na inihain, sinabi ni Trillanes na labag sa Saligang Batas ang pagpapatupad ng K-12 law sapagkat labag ito sa probisyon na naggagarantiya sa karapatan ng mga tao at ng kanilang kinabibilangan na organisasyon na makonsulta at makalahok sa ano mang antas ng sosyal, politikal, at pang-ekonomiyang pagdedesisyon.

Sinabi sa petisyon, hindi nakonsulta ang mga maaapektohan ng nasabing programa, lalo ang mga estudyante, mga guro at mga empleyado sa kolehiyo, noong binabalangkas pa lamang ang nasabing batas.

Dagdag ni Trillanes, ang nag-iisang bumoto sa Senado laban sa K-12, nararapat lamang na ihinto ang pagpapatupad ng programa hanggang wala pang sapat na pag-aaral na ginagawa ang DepEd ukol sa magiging epekto nito sa mga naghihirap na sektor tulad ng magulang, guro at mga estudyante.

Kasama sa sinasabing epekto ng K-12 ang pagkakatanggal sa trabaho ng maraming guro at iba pang mga empleyado sa mga pribadong paaralan at kolehiyo.

Susog ni Alejano, “Ang K-12 program ay hindi isang simpleng pagbabago lamang ng sistema ng edukasyon sa ating bansa sapagkat kinabukasan ng ating bansa ang nakasalalay dito. Bakit kailangan nating tumaya sa isang programang hindi pa subok at hindi tayo handang ipatupad? Dahil dito gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang mapahinto ang K to 12.”

Samantala, nanawagan naman si Acedillo, “Hinihimok ko ang ating mga kababayan, mga kapwa magulang at mga guro at iba pang naniniwalang hindi handa ang ating bansa sa K-12, na samahan kami sa aming panawagan kay Pangulong Aquino at sa Korte Suprema na ihinto ang pagpapatupad ng programang ito.”

Sina Trillanes at ang Magdalo, kasama ang Coalition for K-12 Suspension, ay nakatakdang maglunsad ng isang malaking rally laban sa programa sa darating na Sabado, May 9, sa Liwasang Bonifacio. 

Niño Aclan/Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *