Thursday , December 26 2024

Please don’t blame them

00 pitik tisoyIN my observation on some news articles na aking nabasa, para bang hindi nila alam ang tunay na mga nangyayari inside the Bureau of Customs dahil kadalasan ang mga sinisisi ay mga Customs officials and employees na sila ang ugat ng smuggling.

Sila nga ba?

Iklaro lang natin na halos lahat ng organic customs officials at low ranking officers ay inalis sa puwesto at inilagay sa tinatawag na Customs Policy Research Office (CPRO) for confinement ng isang taon.

They were replaced  by some retired military men mostly  generals to safeguard the ports and stop corruption in all forms sa Customs.

Kaya hindi malinaw ang isyu, kung sino ba ang tinutukoy na customs officials in present time that allow smuggling to exist. Wala na po sa mga kamay ng mga organic customs personnel ang mga sensitive/juicy position ngayon at ang mga inilagay na DOF-ORAM personnel and officials ang masasabing may full control sa operations, enforcement  and intelligence work inside customs.

Wala na po sa kamay ng mga tunay na customs official ang mga nangyayari ngayon sa customs ‘e bakit tila sila pa rin ang nasisisi?

Wala pa rin maibigay na dahilan ang administration kung bakit inilagay for confinement sa CPRO ang mga tunay na customs personnel and officials.

Is the creation of the Executive Order is to get rid of them?

And to justify the removal and hiring of new personnel in Customs?

Unfair naman ‘di ho ba?

Aba’y kung sino ang nakapuwesto ngayon, hindi ba ‘yun ang dapat sisihin kung may smuggling?

Customs police papalitan ng blue guard

 Ano naman kaya ang masasabing dahilan kung bakit naglagay ngayon ng mga SECURITY GUARD or BLUE GUARD sa Port of Manila?

Hindi na ba kaya ng customs police (ESS) ang kanilang trabaho at magbantay sa mga gate sa customs? 

Ano kaya ang pinaplano ng administrayon sa taga BOC-ESS? May balita rin na may low ranking official ng ESS ay ilalagay rin sa CPRO na walang explanation man lang kung bakit at ano ang dahilan.

Kaya naisip ko tuloy na baka ang hanay naman ng mga taga-BOC- ESS ang kakalampagin. Lalo na ‘yung mga sikat na customs police ay delikado for sure.

E paano naman ‘yun isang customs police na retirado na pero patuloy na kumokolekta sa mga broker/importer? 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *