Monday , December 23 2024

PDEA pinakikilos vs droga sa Puerto Princesa City

NAGPASAKLOLO si Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa mabilisang solusyon sa problema sa droga sa lungsod.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bayron na sumulat na siya kay PDEA Director General Arturo Cacdac at hiniling na siyasatin ang impormasyon na nagdadawit sa kilalang personalidad sa operasyon ng droga.

Ginawa ni Bayron ang kahilingan para  sa pagsisiyasat matapos lumutang kahapon ang isang babae na nagsabing isa siyang nabilanggong pusher na nagtrabaho sa magkapatid na tinawag sa call sign na “04” (zero four) at “Tiger.”

Sinabi ng babaeng nagpakilalang “Ara” na dalawang taon siyang nagtulak ng ilegal na droga sa Puerto Princesa City sa ilalim ng pagtangkilik nina 04 at tiger na kanyang tinukoy na dating opisyal at kilalang personalidad sa lungsod kasama ang kapatid nito. Isinalaysay ni Ara na dinadala niya ang droga mula Maynila sa Puerto Princesa noong  2001 hanggang 2003 at natigil lamang ito nang nadakip siya ng anti-drug agents at nakulong nang halos limang taon. Idinagdag na ang droga ay ipinadaraan sa isang hotel na pag-aari ni 04. Sa panawagan ni Bayron kay Cacdac, mas mabuting imbestigahan ang impormasyon upang mapatunayan na hindi siya ang sangkot sa operasyon ng droga. (DG)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *