Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangako Sa ‘Yo, sure hit serye na naman nina Daniel at Kathryn

050715 daniel kathryn

00 SHOWBIZ ms mIPINAKITA na noong Lunes ng gabi ang full trailer ng Pangako Sa ‘Yo na nagtatampok muli sa tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Apat na minuto ang full trailer na napanood sa timeslot ngForevermore at doo’y ipinakita ang tunay na pagkatao o pinagmulan nina Claudia Buenavista na gagampanan niAngelica Panganiban at Amor Powers na gagampanan naman ni Jodi Sta. Maria

Ipinakita ng Star Creatives production na si Amor ay isang simpleng babae na nagmula sa baryo na mahilig magluto, na na-inlove at nagmahal kay Eduardo na gagampanan niIan Veneracion. Si Claudia naman ay isang aspiring beauty queen na nangangarap maiahon sa kahirapan ang ina. Pagkaraan ay nalaman niyang siya pala ang illegitimate daughter ng gobernador na itinakdang ipakasal kay Eduardo.

Nasaksihan ni Amor ang announcement ng engagement nina Claudia at Eduardo na sobra niyang dinamdam.

At siyempre, ipinakita rin ang tagpong aksidenteng nagkakilala sina Yna (Kathryn) at Angelo (Daniel) na habang lumalangoy ang una ay nabangga sa balsang kinahihigaan ng binata.

As expected nag-trending topic agad ito sa Twitter na hindi naman kataka-taka dahil sa rami ng nag-aabang nito. Maganda ang trailer at nakatitiyak akong sure hit ito sa madlang pipol. Nais kong papurihan sa kanilang napakagandang trabaho ang mga director ng Pangako Sa ‘Yo na sina Rory Quintos na siyang orihinal na director nito noong 2000 na nagtatampok kina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Eula Valdez, Jean Garcia, at Tonton Gutierrez. Kasama niyang magdidirehe sina Olivia M. Lamasan at Dado Lumibao.

Mapapanood na ang Pangako Sa ‘Yo sa Mayo 25.
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …