Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtatambal nina Julia at Iñigo, pangarap ni Claudine

042915 inigo pascual julia barretto

00 fact sheet reggeeNAGKATOTOO ang pangarap na magkatambal sina Julia Barretto at Iñigo Pascual. Nabuo pala ang pangarap na ito 10 taon na ang nakararaan. Naibahagi ng binatilyo na noong nakilala niya ang tita Claudine Barretto ni Julia na leading lady naman ng tatay niyang si Piolo Pascual sa pelikulang Milan ay nabanggit daw ng aktres na sana dumating ang panahong magtambal naman sila ng pamangkin niya (Julia).

Sa panig naman ni Julia ay nakita niya si Iñigo noong pipirma siya ng kontrata sa ABS-CBN kasama si Piolo na karay-karay naman ang anak niyang si Iñigo.

Kuwento ni Iñigo, ”There, we met each other and she wasn’t like what I expected. I mean sobrang bait niya, we got to exchange numbers, and we became friends.”

Sa panig naman ni Julia, ”Inigo would text me na ‘sana maging actor na ako riyan (sa Philippines). Kaso my dad won’t let me.’”

At naalala ni Inigo, ”this tandem is actually a dream-come-true.”

“I’ve always believed in Inigo and I’m glad I got to work with him,” magandang sagot naman ng dalagita.

Sa month long episode ng Wansapanataym na ipinalabas noong Enero nakitaan ng magandang chemistry sina Inigo at Julia at dito na naging sunod-sunod ang offers sa kanila kasama na ang pelikulang Para Sa Hopeless Romantic produced ng Star Cinemaat Viva Films.

Sa pelikula ay gagampanan nina Julia at Iñigo ang papel na Maria at Ryan na tauhan sa libro na isinulat naman ni Becca (Nadine Lustre) pagkatapos niyang mabigo kay Nikko (James Reid).

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …