Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Modus sa ‘online ticketing’ nabisto ng PNP-ASG sa NAIA

ISANG bagong modus operandi ang nabuko ng mga awtoridad sa pangunahing paliparan ng bansa nang mapuna na limang pasahero sa NAIA terminal 3 ang may airline tickets na hindi nakapangalan sa kanila.

Ayon kay PNP-Aviation Security Group director, C/Supt. Pablo Francisco E. Balagtas, nadiskubre ito ng isang airline supervisor ng PAL Express nang mapansin na nakapangalan sa iisang tao ang mga airline ticket na hawak ng mga pasahero.

Agad inimpormahan ng airline personnel ang PNP aviation police na agad hinarang ang lima sa boarding gate ng nasabing terminal.  

Habang iniimbestigahan, umamin ang lima na binili lamang daw nila sa online ang mga ticket sa murang halaga.

Ayon kay Gen. Balagtas, kasalukuyang nagsasagawa ng kani-kaniyang imbestigasyon ang airport authorities at airline companies para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Pinaalalahanan ni Balagtas ang publiko na huwag kumagat sa mga indibidwal na nag-aalok sa online ng plane ticket sa murang halaga.

JSY

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …