Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, posibleng naging BF si JM kung hindi umeksena si Jessy

ni Roldan Castro

050715 JM De Guzman Jessy Mediola Meg Imperial

NATAWA na lang si Meg Imperial nang kunan namin ng reaksiyon na umamin na sina JM De Guzman at Jessy Mediola na nagkabalikan.

“Alam ko na rin naman, na ganoon na rin naman ang kahihinatnan niyon. Feeling ko na rin naman noon at saka they look good together naman noong makita ko ‘yung mga picture nila together. Parang, kinikilig ako for them,” pahayag ni Meg nang makatsikahan namin siya sa anniversary celebration ng isang tabloid.

Pero noong magsimulang lumabas ang chism na nagkabalikan ang dalawa, tumigil ba ang friendship nila ni JM?

“Hindi na kami masyadong nag-uusap kasi siyempre naman ano lang, dati may ano (ligawan) ‘di ba? Siyempre ‘pag nag-stop ‘yun, na-lessen ‘yung ano… siguro nawalan lang ng usap pero still friends pa rin kami,” sey niya.

Ano ang reaction ng parents niya na ayon sa aming source ay boto sila kay JM? Balitang nagpaalam pa si JM sa ina ni Meg na manliligaw ito?

“Hindi naman masyadong nag-react si Mama …parang hinayaan niya na lang na ako na lang ‘yung mag-ano. Kung okey sa akin, bakit naman siya magre-react,” pakli niya.

Hindi ba siya na-hurt?

“Bakit? Ha!ha!ha! Saan?,” pag-iwas niya sa tanong.

Ang nakarating na balita sa amin, muntik nang maging sila kung hindi nagkabalikan sina JM at Jessy.

“Hindi naman siguro mawawala ‘yun. Pero maaga kong tinanggap na hindi siguro talaga kami magwo-work together. Parang mayroon talagang nagugustuhan siyang iba,” pag-amin ni Meg.

Siya ba ‘yung sinabi ni JM sa GGV na niligawan niya pero hindi siya sinagot?

“Hindi ko rin alam. Siguro..baka.. I’m not sure,” sagot niya sabay tawa.

Paano kung i-deny ni JM na niligawan siya?

“Hindi naman niya siguro idi-deny, feeling ko. Parang dating stage na rin ‘yun, eh. At least nagpaalam lang,” sey pa niya.

Na-trauma ba siya sa naging eksena nila ni JM?

“Hindi naman na-trauma..siguro.. mas na-realize ko lang ngayon na i-prioritize na lang muna ‘yung career ko instead of ano… darating at darating din,” aniya pa.

Hindi pa raw ulit sila nagkikita ni JM after na umamin ito na nagkabalikan na sila ni Jessy.

“For sure naman magbabatian kami ‘pag nagkita. Nag-stop naman siya (panliligaw) before na magkaroon sila ng communication again. Nagkausap naman kami before that. Hindi ko na sasabihin ang details. Pero hindi alam ‘yung details about them…hindi naman niya na-explain sa akin ‘yun, eh. Nalaman ko na lang pero it’s okey,” bulalas pa ni Meg.

Muntik na ba niyang minahal si JM?

“Ha! Ha! Ha! Nagkaroon ng attraction because he is very gentleman, mabait at respectful sa parents ko,” lahad pa ng dalaga.

Ano ang message niya sa dalawa?

“I’m happy for them kasi noonh una pa lang na nagtanong siya, feeling ko on my part na ‘yung ganoong klaseng relationship ay hindi naman basta-basta makakalimutan. Noong bago pa lang kami, alam ko na hindi ganoon kalalim. I’m happy for them kasi friend ko naman si Jessy. Alam ko naman na may pinagdaanan na mahirap ‘yung dalawa. Sa pangalawang pagkakataon naman talaga, parang ‘magic’ naman na wow! So sa akin, sana someday may darating din sa akin na guy na parang same thing din na kilig na nararamdaman ko for them,” tsika pa niya.

Anyway, mapapanood pa rin si Meg sa Batch 3 Lucky Stars ng Kapamilya,Deal or No Dealhanggang first week of May.

Nakagawa rin siya ng first horror movie with Direk Adolf Felix entitled Chain Mail with AJ Muhlach, Shy Carlos, Prince Stefan, at may special participation si Nadine Lustre.

Tuloy pa rin ang movie niyang Ex With Benefits with Derek Ramsay at Coleen Garcia.

 

 

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …