ni Roldan Castro
PINABULAANAN ni Glaiza De Castro na may relasyon sila ni Benjamin Alves. si Benjamin ang nagbigay sa kanya ng titulo ng album nitong Synthesis.
“Wala, pero magkasama kasi kami sa ‘Dading’ noon. Humingi ako sa kanya ng tulong sa mga word na puwede kong gamitin, other terms for collaboration, or fusion, ganyan-ganyan.
“Mixture, so nag-send siya sa akin ng list of words. Kasi Lit (Literature) major siya, eh. So alam ko na mabibigyan niya ako ng mga magagandang salita,” sambit niya nang makatsikahan siya sa album launch niya entitled Synthesis sa Runner’s Kitchen sa Tomas Morato.
Sinabi pa niya na ang huling showbiz bf niya ay si Felix Roco.
Eh, si Patrick Garcia? ”May asawa na ‘yun,” reaksiyon niya.
“Parang one season lang ‘yun,” pakli pa niya na maikli lang ang panahon na naging mag-on sil
Bakit Synthesis ang napili niyang title sa album?
“’Yung concept kasi ay collaboration talaga with my friends, sina Angelica (Panganiban), Chynna (Ortaleza), nag-contribute rin, si Alex da Rossi.
“‘Yung sa second and third track, siya (Angelica) ‘yung nagsulat ng kanta na ‘yun. ‘Yung ‘Barcelona’ at saka ‘Waiting Shed’.
“Nasa Barcelona kasi siya noong mga panahon na ‘yun tapos nag-send siya ng text tapos hindi ko pa naintindihan noong una kasi ang lalalim ng mga salita.
“Tapos parang hindi naman ito parang message sa pangungumusta. So, ginawa ko siyang song. Tapos binigyan niya ako ng lyrics, words by Angelica.
“Noong mga panahon na ‘yun kailangan niyang ilabas ‘yung mga emosyon niyang natatago,”kuwento ni Glaiza.
Mahilig daw talaga magsulat si Angelica at si Chynna naman sa artwork.
“Kung mapapansin ninyo, pag-open ninyo ng CD, may postcard po sa loob ng CD na may ano, ‘listen to your voice’, siya ang nag-drawing.”
Mapakikinggan sa Synthesis album ang mga kantang Country Tree, Barcelona, Waiting Shed, Makataruok, Memo (na kumanta rin si Alessandra), Sa ‘Yo Pa Rin, Dusk Till Dawn (na siyang carrier single), at Pag-Ikot.
Original lahat ng mga kanta.
Dream din ba niya na makapag-concert sa isang malaking venue tulad ng Araneta Coliseum?.
“Puwede. Pero sa ngayon hindi ko pa nakikita ‘yung sarili ko na ano siya, Araneta-levels.
“Dream ko talaga.
“Pang-Philippine Arena po,” pagbibiro niya.
Kung mabibigyan ng chance gusto ni Glaiza na maka-duet sina Bamboo, Armi Millare ng Up Dharma Down at si Gary Valenciano.