Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Family Mart franchisee, driver patay sa riding trio

PATAY ang Family Mart franchisee at kanyang driver makaraan barilin ng riding in trio sa Malate, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na si Edgar de Castro, 43, may-asawa, negosyante, nakatira sa San Pedro St., Malate Maynila, at ang kanyang driver na si Juanito Cangco, 44, may-asawa, at residente sa nasabi ring lugar.

Habang inaalam pa ang pagkilanlan ng mga suspek na lulan ng motorsiklong hindi naplakahan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran, imbestigador ng MPD-Homicide Section, dakong 10:15 p.m. nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktimang si De Castro.

Ayon sa pahayag ng testigo at stay-in security guard ni De Castro na si Luey Vicentino, dumating ang kanyang amo sakay ng pulang Toyota Hilux (WOX 539) mula Batangas .

Paglapit niya sa sasakyan ay inutusan siya ng driver na buksan na ang Family Mart ng kanilang amo.

Tumalima ang guwardiya sa utos ngunit pagtalikod niya ay nakarinig siya ng putok na inakala niyang sumabog na gulong ng sasakyan.

Naging sunod-sunod na ang mga putok at maging siya ay pinaputukan din ng mga suspek ngunit hindi siya tinamaan.

Gumanti ng putok si Vicentino at tinamaan ang isa sa mga suspek na agad hinila ng kasama-han saka mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo. Inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa mga biktima. 

Leonard Basilio, may dagdag na ulat nina Mary Joy Sawa-An, Darwin Macalla, at Joshua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …