ni Ronnie Carrasco III
NOT every celebrity politician prefers that his achievements are hyped. Marahil, mas gusto nilang magkaroon ng low-profile stance than be accused of grandstanding.
Ilan lang ang mga tulad ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na mas nakatuon sa kalagayan ng kanyang mga nasasakupan instead of praising himself for his deeds.
April 11 pa kasi ng kasalukuyang taon tinanggap ni Daniel ang isa na namang pagkilala sa kanyang mga naiaambag sa larangan ng serbisyo publiko.
Daniel was awarded the Golden Globe Medal for Distinction for Outstanding and Significant Achievement in Public Service by the Golden Globe Awards Council during the ceremonies held at the Manila Hotel.
Partikular na pinagbatayan ng nasabing award-giving council ang patuloy na mga gawain ni Vice Gov na tumutugon sa mga pangangailangan ng kanyang mga constituent sa pamamagitan ng mga proyekto niya tulad ng Damayang Filipino: “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo” livelihood program; Dunong Filipino Legal Mission, Dugong Filipino: Dugong Alay ng Bulakenyo; Damayang Filipino Computer on Wheels; call center training program; medical and feeding missions, among others.
Nito ring November 2014, itinanghal na Outstanding Legal Legislator si Daniel as far as his track record in leading the Sangguniang Panlalawigan’s provincial ordinances and resolutions is concerned.
Kung tutuusin, mahaba pa ang talaan ng mga achievement ni Daniel sa larangang kanyang pinili outside his showbiz profession.
And like any other successful public servant, target ba ni Daniel na sungkitin ang mas mataas na puwesto sa 2016 elections?
Basta, still vivid in our memory ang Scorpio Nights film ni Daniel in his steamy scenes with Anna Marie Gutierrez, isama na ang eksenang pinaliligaya niya ang kanyang sarili!