ISA pa sa dapat papurihan ay ang tahimik subalit magaling na vice governor ng Bulacan na si Daniel Fernando. Madalas kong marinig ang magaganda niyang ginagawa sa kanyang mga nasasakupan. Kaya masuwerte ang mga taga-Bulacan na nagkaroon sila ng katulad ni Daniel na prioridad ang pagtulong sa kapwa.
Kaya hindi kataka-takang bigyang halaga ang pagtulong na ginagawa ni Daniel sa kanyang constituents dahil noong Abril 11 pala’y binigyang halaga ang mga naiambag niyang tulong sa publiko.
Binigyan si Daniel ng award ng Golden Globe Medal for Distinction for Outstanding and Significant Achievement in Public Service ng Golden Globe Awards Council na isinagawa ang seremonya sa Manila Hotel.
Pinagbatayan ng naturang ng award giving council ang mga tulong at magagandang gawaing ibinibigay ni Vice Gov. Daniel na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga constituent sa pamamagitan ng mga proyekto niyang Damayang Filipino: “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo livelihood program; Dunong Filipino Legal Mission, Dugong Filipino: Dugong Alay ng Bulakenyo; Damayang Filipino Computer on Wheels; Call Center Training Program; medical and feeding missions, at marami pang iba.
Itinanghal ding Outstanding Legal Legislator si Daniel noong November 2014, bilang marami siyang ginagawang ordinance at resolution.
Mahaba pa ang mga achievement ni Daniel kung ang pag-uusapan ay ang political career niya kaya naman marami ang nagtatanong kung kinalimutan na ba niya ang showbiz.
Hindi naman siguro dahil open naman siya sakaling may mga offer at kung kaya naman ng kanyang schedule. For the meantime, nakatuon muna ang kanyang pansin sa pagbibigay tulong sa mga constituent niya.
At kung tatakbo man siya sa mas mataas na posisyon, puwedeng-puwede naman dahil hindi na biro ang mga bagay na na-achieve niya kung pagtulong din lang ang pag-uusapan.
ni Maricris Valdez Nicasio