Thursday , December 26 2024

Batas sa bike lanes sa Metro Manila, pinupugo ng mambabatas  

CRIME BUSTER LOGOHANGGANG sa kasalukuyan ay inaamag na raw sa senado at sa kongreso ang inihaing batas na magbibigay-daan sana para sa siklista o sa mga mahilig mag-bisikleta.

Mas inuuna raw ng ilang mambabatas na pag-usapan ang mga problema tungkol sa transportasyon.

Sa bayan ng Marikina City ay naging prayoridad ng local government ang pagbibigay ng bike lanes sa kanilang mga kalsada para sa mga gumagamit ng de- gulong na bisikleta. Magaling kasi ang kanilang mayor sa Marikina City.

Inaalat na yata si Pacquiao?

MUKHANG inaalat na yata ang ating pambansang kamao na si boxing champ, Manny “Pacman” Paquiao.

Nang talunin ng black American boxer na si Floyd Mayweather sa kanilang laban noong May 3, sa MGM Arena sa Las Vegas, Nevada, USA, lumutang ang iba’t ibang haka-haka sa anino ni Pacquiao.

May nagsasabing bakit siya lumaban na may injury sa kanang balikat? Ang injury umano niya sa balikat ay idineklara raw ni Pacquiao sa Nevada Athletic Commission, bago maganap ang bakbakan nila ni  Mayweather nitong Mayo 3.

Ang injury sa balikat ni Pacquiao ay kinumpirma naman sa madlang people ng kanyang kampo.

Sa kanilang laban ni Mayweather, ipinakita ni Pacquiao ang kanyang nalalaman sa  lara-ngan ng boksing. Naging maginoo siya hanggang sa huling sandali ng kanyang pagkatalo kay Mayweather. Diyan ako bumilib sa kanya. Tunay  siyang Pinoy boxer.

Teka, huwag sanang mapipikon si Mommy Dionisia sa pagkatalo ng kanyang anak.

International Award  kay Rosalinda Orobia

GINAWARAN ng award ng Consuelo Foundation (Hawaii-Philippines) based international organization ang hepe ng Pasay City Social Worker na si Rosalinda Orobia na may kaugnayan sa kanyang exemplary service particular sa ginawa niyang pagtulong sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

Sa pagkakaalam ko hindi matatawaran ang serbisyong naibahagi ng mga kagawad ng Pasay City Social Workers sa pangunguna ni Orobia sa panahon na ang mga biktima ng Yolanda typhoon sa Leyte ay dumagsa sa Villamor Airbase.

Anyway, congrats kay Orobia sa nakamit na awards.

Mga ‘bad boys’ sa Calabarzon

Bago matapos ang buwan ng Abril at nang pumasok ang unang linggo ng buwan ng Mayo, sunod-sunod ang naitumbang holdaper at carnapper sa lalawigan ng Laguna. Nakipagbarilan umano o ‘shootout’ ang dahilan kaya napatay ng mga pulis ang mga hudas na lawless elements.

Kamakailan, dalawang di-nakikilang holdaper ang naitumba ng San Pedro City, Laguna-PNP sa bahagi ng Barangay Landayan. Ang napatay ay pinaghihinalaang mga ‘bad boys’ sa lalawigan ng Laguna.

Sa lalawigan ng Laguna ay katakot-takot din ang naitatalang nakawan ng mga sasakyan, partikular ang mga motorsiklo.

Sa isang lugar sa Molino sa Bacoor, Cavite, apat na ‘bad boys’ din ang naitumba ng mga lokal na pulis na pinaghihinalaang kasapi ng isang grupo ng mga kriminal, ang tinatawag na ‘gapos gang.’

Nang maupong regional director ng PNP sa Region 4A si Chief Supt. Richard Albano, kaagad niyang ipinatupad ang kampanya laban sa kriminalidad sa area of jurisdiction ng CALBARZON. Kaya nagkalat sa iba’t ibang lugar sa Ca-labarzon ang mga unipormadong pulis. Okey ‘yan General.

Padaplis lang!!! Major Tara ng SPDO

INAGAW na naman daw ng isang Major T., ang lahat ng kabuhayan na nalilikom sa kabuuan sa area ng Southern Police District. Ultimo daw porsiyento ay kinamkam ni alias Major Tara, ang umaaktong bagman sa H.Q., sa SPDO.

Naku po! Bakit ba nagkakagulo ang ilan sa mga ingat- yaman ng pitsa de intelehensiya sa kampo ng SPDO? Pakisala general Henry Ranola.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *