BINANSAGAN na “Most Peaceful City in the Philippines” ang Olongapo. Marami itong natatanggap na karangalan mula sa iba’t ibang ahensiya, publiko man o pribado tulad ng Award of Excellence in Good Governance and Transpa-rency; Most Child-Friendly City in the Country at Best Lupon Tagapamayapa para sa Barangay Santa Rita, at marami pang iba.
Kamakailan lamang, humakot ang Olongapo City ng limang achievement award mula sa Department of Health kabilang ang “excellent performance in providing health services to its re-sidents” at “best hospital service.”
Ngunit puna ng mga residente ng Olongapo, bigay nang bigay lamang ang mga “tagalabas” ng award sa lungsod batay sa datos na ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Rolen Paulino nang walang konsultasyon sa mga naninirahan sa lungsod.
Kaya kinondena ng mga residente ng Olongapo ang talamak na bentahan ng ilegal na droga na parang kendi lamang na ibinebenta sa mga lansangan ng lungsod at waring hindi naki-kita ng mga awtoridad, lalo ng mga pulis.
Ayon nga kay Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) Olongapo chapter chairman Dennis Yape, bantad sa opisyales ng Olongapo na talamak ang bentahan ng shabu sa Brgys. Sta. Rita, Gordon Heights, West Tapinac, Pag-Asa, Cabalan at Barretto malapit sa Brgys. Matain at Calapacuan sa Subic, Zambales na pa-ngunahing source ng illegal drugs o kung saan kumukuha ng sup-lay ang mga tulak ng ilegal na droga.
Mismong sa Facebook group na “Batang Gapo” na binuo para suportahan ang pagtakbo ni Ma-yor Paulino noong 2013 local election ang mga miyembro nito ay nagsibaligtad na nga-yon at ipinakikita na ang realidad sa mga talamak na krimen sa lungsod.
“Bakit hindi tingnan ni Mayor Paulino ang Batang Gapo sa Facebook para malaman niya na sa tanong ‘Are you satisfied with the service provided by Olongapo Police?’ ay 93% ang sumagot ng ‘No’ at pitong porsiyento lamang ang ‘Yes’,” diin ni Yape. “Marami tuloy ang natatakot maglakad sa gabi sa mga lansangan sa Olongapo dahil nagkalat ang mga sabog sa bawal na gamot.”
Ibinunyag din ni Yape na maraming kabataang babae na menor de edad ang napipilitang pumasok sa prostitusyon para lamang matugunan ang pagkalulong sa shabu kaya nanawagan sila sa mga awtoridad lalo sa pulisya na kumilos para masawata ang mga krimen lalo ang lantarang bentahan ng shabu sa lungsod.
Ano ba ‘yan Mayor Paulino, unang termino pa lamang nagsibaligtad na ang grupo ng mga kabataan na sumuporta sa iyo? Kaya pala noong buwan ng Marso na pumasyal ako riyan, maraming nagkalat na mga kabataang halatang sa-bog sa bawal na gamot.
Tsk. Tsk. Tsk.