Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexy actress sising-sisi na sa maling desisyon (Ngayon todo-awang magka-project!)

050615 blind item womanni Peter Ledesma

DAHIL sa mabangong career at in-demand noon sa movies at kaliwa’t kanang TV projects ay lumaki talaga ang ulo ng sexy actress, na bida sa ating kolum today.

As in todo-yabang na si SA at ayaw na raw niyang magpakita pa ng katawan sa pelikula. Ang rason niya ay nagsasawa na siya sa pagbe-bare at puwede naman daw siya sa drama at comedy kaya rito na muna siya sa mga genre na ito.

Ang masaklap dahi sexy ang images ay walang takers kaya biglang lagapak ang kanyang career. Dapat sana ay sunod-sunod ‘yung gagawing sexy films ng tinutukoy nating aktres sa sikat na movie outift na nakakontrata siya. Kaso dahil nag-inarte nga ay hindi na nag-push through pa. Ngayon dahil unti-unti nang nauubos ang datung dahil wala naman pa lang negosyo at hindi totoong madatung ang ka-live in na foreigner na daddy ng kanyang baby. Hayun nagpapaka-trying hard na raw si nasabing bold actress sa bossing na producer na nagma-manage rin ng kanyang career.

Talagang nakiusap na siya na bigyan siya uli ng trabaho dahil need niyang kumita para sa kanyang mag-ama. Pagdating naman sa TV mukhang deadma na rin ang mother studio ng flawless na actress na may artista ring kapatid sa showbiz na like her ay controversial din.

Yes sa kawalan ng raket, ang sabi ay naibenta na ni aktres ang kanyang malaking bahay, dalawang mamahaling sasakyan at ilang alahas. Kaya bago pa siya maglupa o maghirap ay kumilos na siya para balikan ang career, na naging bread and butter niya sa matagal na panahon.

Huwag kasing malunod sa isang drum na tubig gyud!

“OPM Fresh,” mabibili na nationwide

STAR MUSIC HANDOG ANG ‘FRESH’ NA TUNOG NG OPM

050615 OPM Fresh Artists

Ibibida ng Star Music ang susunod na henerasyon ng OPM talents at ang bago nilang tunog sa pinakabago nitong compilation album na “OPM Fresh.” Tampok ang solo at group acts mula sa iba’t ibang music genre.

Ngunit higit pa sa pagiging isang album, binibigyang pagkakataon ng “OPM Fresh” ang mga bagong sibol na artist na ipakita ang kanilang galing at gumawa ng pangalan sa industriya.

Ang unang compilation album ay naglalaman ng 13 kanta at dalawang bonus tracks. Tampok dito ang pioneer batch ng OPM Fresh na kinabibilangan ng Harana, ang pinakabagong boygroup ng young Kapamilya heartthrobs na sina Joseph Marco, Bryan Santos, Michael Pangilinan, at Marlo Mortel. Nasa album ang kanilang single na “Number One,” pati na ang awiting “M.O.O.” ni Marlon. Bida rin sa “OPM Fresh” ang “PBB All In” finalist na si Maris Racal at ang kanyang kantang “Tanong Mo Sa Bituin,” pati na ang “The Voice” artist na si Jacob Benedicto na siyang nag-perform ng “’Pagkat Ikaw.” Ipinagmamalaki rin ng Star Music ang pagkakasama rito ng composers na sina Kaye Cal (“Isang Araw”), Hazel Faith (“Liwanag”), and MMJ or the Magno Twins (“Haypa (Hayup Ah).” Kabilang din sa track list ng “OPM Fresh” ang “Rain Dance” ng recording artist/EDM producer na si Moophs feat. Alexandra; “Boy” ng Star Magic artist na si Renee Pionso; “Til My Heartaches End” ng TFCkat 2013 grand winner na si Vanessa Q; “Must Be Going Crazy” ng Star Magic batch 2013 member na si Alexander Diaz; “Kasalanan” ni JC Padilla, ang kapatid ni Daniel Padilla; at “Hanep” ng all-girl band na Rouge. The album also has bonus tracks by Inigo Pascual (“Lullabye-bye”) and Alex Gonzaga (“Break Na Tayo”). Ang “OPM Fresh” ay mabibili na record bars nationwide sa halagang P199 lamang. Maaari na rin ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …