Monday , December 23 2024

Panlalait ng Thai nat’l ipinauubaya ng Palasyo sa BI

050615 Thai national pignoys

IPINAUUBAYA na ng Palasyo sa Bureau of Immigration (BI) ang pag-alma sa panlalait ng isang Thai national na tinawag ang mga Filipino bilang “Pignoy” at mga ipis.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ipinauubaya na ng Malacanang sa BI kung anong gagawin para sa naturang Thailander na kinilala sa kanyang Facebook account na si Koko Narak o Kosin Prasertsi sa tunay na buhay.

Mahigit dalawang taon na siyang nakatira sa Filipinas at nagtatrabaho sa isang call center company sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Kabilang sa pang-aalipusta ni Narak sa ating lahi ay hindi aniya bagay na nagtatrabaho sa opisina at mas nararapat lang na maging katulong at tagalinis ng comfort room.

“Filipinos are not fit to work in the office, admin bla bla bla. Working as maid, toilet licker seem to fit you better. See Pignoys are wriggling like cockroaches prisoned by Bygon. Pls understand pignoys. I have never been mistreated but your society is dangerous that is y…I am afraid the pignoy virus comes to my superior body,” ilan sa mga mapang-insultong posts ni Narak.”

Bukod dito, sinabi pa ni Narak na kung siya si Hitler, papatayin niya ang lahat ng mga Filipino sa mundo.

Sinabi ni Narak sa kanyang post na nabubuwang at naiinis dahil napapaligiran siya ng “stupid creatures on earth.”

Binansagan din niya ang mga Filipino na “slave slum low class Pignoy.”

“Look at slave slum low class Pignoy asks all their ancesters to eat for free,” base sa post ni Narak.

Dahil sa pang-iinsulto ni Narak sa mga Filipino, nagalit at ipinanawagan na ng mga netizens ang pagpapa-deport sa kanya.

Kaugnay nito, tiniyak ng management ng Cognizant Technology Solutions Philippines, ang kompanyang pinagtatrabahuhan ni Narak na tuturuan nila ng leksyon dahil sa pang-iinsulto sa host country. (R. NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *