Monday , December 23 2024

Pagpasok sa PNP  ng K-12 grads kinontra ng CSC

HINDI sang-ayon ang Civil Service Commission (CSC) sa panukala sa Kamara na magbibigay daan sa pagpasok sa PNP ng mga magtatapos ng K-12 bilang patrol officer.

Sa position paper na isinumite ng CSC sa House committee on public order and safety, ipinaliwanag ng komisyon na ang pagpasok sa PNP nang nakakuha lamang ng 72 collegiate units ay lalabag sa istruktura ng rank system ng gobyerno.

Ayon sa CSC, ang minimum requirement ng panukala para sa patrol officer ay salungat sa isinusulong na professionalization ng PNP at layuning mag-recruit lamang sa pulisya nang mayroong baccalaureate degree.

Inirekomenda ng komisyon na likhain na lamang ang posisyong patrol officer sa local government level na ang mga maitatalaga ay magsisilbing auxiliary police force lamang na tutulong sa PNP.

Ang panukala na payagang makapasok sa PNP ang K-12 graduates ay nakapaloob sa House Bills 2199 at 2518 nina Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *