Monday , December 23 2024

Pacman ooperahan sa balikat

HINDI pa makauuwi sa Filipinas si 8 division boxing champion Manny Pacquiao makaraan payuhan ng kanyang doktor na dapat operahan na ang kanyang kanang balikat sa lalong madaling panahon.

Kahapon ay sumailalim sa Los Angeles sa Magnetic Resonance Ima-ging (MRI) scan ang Filipino ring icon.

Nagdesisyon ang mga manggagamot na dapat operahan na ang pagka-punit ng bahagi ng balikat o rotator cuff ng fighting congresman para agad na gumaling.

Gagawin ang operas-yon sa loob ng linggong ito ngunit hindi pa binanggit kung saang pa-gamutan sa Los Angeles at kung sinong mga eks-perto ang titingin.

Dahil sa operasyon, si Pacquiao ay kailangang magpahinga nang siyam hanggang 12 buwan bago makababalik sa pagbo-boksing,  ayon na rin sa ilang eksperto.

Ang nasabing injury ay nakuha ni Pacquiao noon pang 2009 sa isang jetski accident at ito rin ang dahilan kung bakit hindi 100 porsyento ang performance niya sa mega-fight kontra kay U.S. undefeated boxing champion Floyd Mayweather Jr.

Sa kuwento ni Pacman, pagsapit ng third round ay doon bumalik ang sakit ng kanyang injury.

Inireklamo na hindi pinayagan ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) si Manny na magkaroon nang injection upang bahagyang mapawi ang kirot na dala ng nasabing injury.

Ito ay sa kabila na inabisohan daw sila at pinayagan ng United States Anti-Doping Agency (USADA) sa medications.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *