Sunday , December 22 2024

Caloocan mall 8-oras nasunog

MALAKING perhuwisyo ang idinulot ng pagkasunog ng isang kilalang mall sa Caloocan City nang maapektohan ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) kahapon ng umaga.

Batay sa nakalap na ulat mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Caloocan City, dakong 9:10 a.m. nang magsimulang masunog ang Victory Central Mall sa Victory Compound, Brgy. 72 ng nasabing lungsod.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng mall kung saan naroon ang isang tindahan ng inihaw na manok at mabilis na kumalat ngunit hindi agad nakarating sa kaalaman ng mga pamatay sunog ang pangyayari kaya’t lumipas muna ang kalahating oras bago sila nakapagresponde. 

Bahagya rin nagkaroon ng problema ang biyahe ng LRT nang mahirapan ang mga pasahero na makaakyat sa Monumento Station dahil nakaparada ang mga truck ng pamatay sunog.

Ayon sa ilang stall owner ng naturang mall, bigla na lamang nag-spark ang linya ng koryente dahilan upang mabilis na kumalat ang apoy kaya’t napilitan silang tumakbo palabas.

Patuloy na inaalam  ng mga awtoridad ang sinasabing may naiwang empleyado sa loob ng mall na nakapag-text pa sa kanyang kasamahan habang nagaganap ang sunog.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin ganap na naapula ang apoy at sa pinakahuling ulat ay umabot na sa 5th alarm samantala inaasahang aabot sa milyong piso ang pinsala ng apoy.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *