Saturday , December 28 2024

Rematch (Sigaw ng Pacman fans)

HINDI naging madali para sa mga Filipino na tanggapin ang pagkatalo ni Manny Pacquiao sa laban kay undefeated American Floyd Mayweather Jr., sa kanilang welterweight showdown sa Las Vegas.

Ang ilan ay naluha, nagalit at naglabas ng mga akusasyon ng foul play sa nasabing laban kahapon.

Sa General Santos City, ilang fans ang umiyak at naggiit ng agad na rematch, sina-bing si Pacquiao ang dapat na nanalo dahil siya ang agresibo sa laban, habang takbo nang takbo lamang si Mayweather sa ring sa loob 12-round fight.

“It’s a home court decision,” pahayag ni Rep. Karlo Alexei Nograles, mula sa Davao City. “Manny should’ve won. He had Mayweather running and cornered on the ropes. Manny did not disappoint Filipinos, he gave it his all.”

Pansamantalang nawala ang mga tao sa mga kalsada dahil ang mga Filipino ay nasa loob ng mga sinehan, hotel at parks upang manood sa big screens, habang ang army sa iba’t ibang lugar sa bansa ay nagkaloob rin ng free viewing sa Pac-May fight sa mga sundalo..

“He fought for respect, not points,” ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda. “He won the hearts of the world.”

Bagama’t maraming fans ang hindi sumang-ayon sa  resulta, ang ilan ay naniniwalang nama-yani sa laban si Mayweather.

Ayon sa local analysts, mas mainam ang naging depensa ni Mayweateher at naibigay ang mga tamang suntok, habang si Pacquiao na hi-git na agresibo ay nanalo lamang sa tatlo hanggang apat na rounds.

May injury ako sa balikat – Pacquiao

KINOMPIRMA ni Manny Pacquiao na mayroon siyang injury sa kanang balikat bago ang laban nila ni Floyd Mayweather at natalo siya sa pa-mamagitan ng unanimous decision.

Sa press conference ng team Pacqiuao, sinabi ni Pacman na tatlong linggo bago ang kanilang laban ni Floyd ay may naramdaman na siyang problema sa kanang balikat sa kasagsagan ng kanyang pagsasanay.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi siya nakapagpakawala nang malalakas na kanan at magagandang kombinasyon.

Aniya, naramdaman niya ang problema sa kanyang balikat noong third round.

“3rd round, already feel pain in my shoulder. That’s why you saw me back off when I tried combinations,” ayon kay Manny.

Bago ang kanilang laban, hiniling daw ni Manny na magkaroon siya ng “inflamatory shots” para sa kanyang masakit na balikat ngunit hindi ito pinagbigyan ng Nevada Athletic Commission dahil hindi siya nakitaan ng ‘injuries’ sa isinagawang pre-fight evaluation.

PH taas noo pa rin kay Pacman – Palasyo

TAAS  noo pa rin ang bansang Filipinas sa kaha-nga-hangang paglaban ng ating Pambansang Kamao, Congressman Manny Pacquiao, sa isa sa pinakamahusay na bok-singero sa daigdig.

Ito ang pahayag ng Palasyo makaraan magapi ni Floyd Mayweather si Pacquaio sa Las Vegas, Nevada, USA.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nagpapasalamat si Pangulo Benigno Aquino III kay Pacquiao sa pagbibigay niya ng inspirasyon sa bawa’t Filipino na nagpupunyagi at lumalaban sa mga hamon ng buhay upang matamo ang isang maunlad na kinabukasan.

“Patuloy nating ipinagmamalaki ang husay, gilas at tapang ni Manny Pacquiao. Isinasagisag niya ang galing at kabutihan ng bawa’t Filipino na kayang makipag-paligsahan sa pinakamahusay sa iba’t ibang larangan — at kayang magtamo ng karangalan,” ani Coloma.

Umaasa ang Palasyo na makapag-uukol na si Pacquiao nang dagdag na panahon para sa kanyang pamilya at sana’y mapanatili niya ang magandang kalusugan sa kanyang pagtahak ng iba pang landas na nais ni-yang tahakin sa hinaharap.

R. Novenario

AFP proud kay Manny

BAGAMA’T natalo si People’s Champ Manny Pacquiao sa Amerikanong si Floyd Mayweather Jr., super proud pa rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Filipino boxer na isang Philippine Army reservist na may ranggong Lieutenant Colonel.

Ayon kay AFP chief of staff General Gregorio Pio Catapang Jr., kanyang itinuturing ang pagkatalo ni Pacquiao na isang “unfortunate incident.”

“It’s unfortunate hindi nanalo si pambansang kamao but deep inside us, talagang he made us all proud,” pahayag ni Catapang na nanood ng laban ni Pacman sa Tejeros hall sa loob ng Kampo Aguinaldo.

Hindi rin napigilan ni Catapang na magkomento at sinabing hindi patas ang naging desisyon sa labanang Pacquiao-Mayweather.

“I think the decision was not fair,” komento ni AFP chief Catapang.

Cebu inmates desmayado sa talo ni Pacman

CEBU – Ilang minutong natahimik ang mga bilanggo ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center kasunod ng pagkatalo ni People’s Champ Manny Pacquiao kay American opponent Floyd Mayweather Jr.

At kasunod nito ay halo-halong mga reaksi-yon. Ilang bilanggo ang naniniwalang hindi ito ang ‘best performance’ ni Pacquiao habang sinabi ng iba na hindi parehas ang naging desisyon laban sa People’s Champ.

Umaasa ang mga bilanggo na magkakaroon ng rematch sa laban ng dalawang magaling na boksingero.

Gayonman, bagama’t talo, umaasa ang mga bilanggo na muli silang bibisitahin ni Pacquiao upang maipakita sa boksingero na nagkakaisa pa rin sila sa pagsuporta sa Pambansang Kamao.

Nitong nakaraang taon, binisita ni Pacquiao ang nasabing bilangguan upang magbigay ng ins-pirasyon.

Pac-May fight tinutukan ng sambayanan

MASUSING tinutukan ng sambayanang Filipino ang makasaysayang laban ni People’s Champ Manny Pacquiao kontra kay Floyd Mayweather Jr.

Sa Metro Manila, dinagsa ng mga manonood ang libreng widescreen viewing sa Delpan, Maynila, at Parañaque ma-ging sa basketball court ng Brgy. 6265 sa loob ng Malacañan Complex.

Hindi rin inalintana ng mga taga-Brgy. Kaligayahan, Quezon City ang mainit na panahon para mapanood ang laban.

Hindi gaanong napuno ang 10,000 kapasidad ng Amoranto Sports Complex, habang inulan ang free viewing sa Marikina Freedom Park dahilan para ihinto ang palabas.

Samantala, nagkaa-berya ang signal sa 168 Mall pagpasok pa lamang ng ika-walong laban.

Sa kaparehong round din nawalan ng signal sa San Andres Sports Complex dahilan para maglabasan ang mga tao at maghanap ng ibang mapapanooran.

Sa mga lalawigan, tinatayang nasa 12,000 hanggang 15,000 ang nanood sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City kasabay ng pagsisimula ng ilang laro sa Palarong Pambansa.

Halos napuno rin ang M. Pineda Sports Complex sa Lubao, Pampanga na may 1,200 seating capacity.

Umantabay rin sa laban ang mga taga-Bacolod.

Sa “Fight of the Century” na ginanap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, nabigo si Pacquiao na pabagsakin ang undefeated American boxer.

EDSA parang ‘ghost town’

LITERAL na naging ‘ghost town’ ang EDSA kahapon, bago at habang ginaganap ang mega bout nina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at undefeated American Floyd Mayweather Jr.

Maraming mga dri-ver ang pansamantalang tumigil sa pagmamaneho upang mapanood ang tinaguriang “Fight of the Century.”

Nakita sa Metropolitan Manila Development Authority’s (MMDA) smartphone app ang green colors – ibig sabihin ang trapiko ay “light” kahapon ng umaga.

Ilang indibidwal, kabilang ang mga hindi nanood ng laban, ang nagpasalamat kay Pacquiao para sa traffic-free EDSA.

Sinabi ng ilan na dapat magkaroon palagi si Pacquiao ng laban upang palaging maluwag sa EDSA.

2 sinehan sa Bulacan nagkagulo (Nawalan ng signal)

NAGKAGULO ang daan-daang nanood sa tinaguriang  “Battle For Greatness” sa dalawang sinehan sa Bulacan nang mawalan ng signal ang live streaming habang nasa kalagitnaan ng bakbakan nina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao.

Kakatapos lang ng Round 8 at nagbubunyi ang mga manonood nang biglang mawala ang signal sa loob ng dalawang sinehan ng Waltermat sa Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan.

Nasa P700 pesos ang entrance sa Cinema 2 at Cinema 3 ng naturang mall ngunit kahit mahal ay napuno ng mga manonood matunghayan lamang ang bakbakan ng dalawang pinakamahusay na boksingero sa mundo.

Nabatid na tuwang-tuwa ang mga kababayan ni Pacquiao kapag nakikita na binubugbog sa suntok ng Filipino boxer si Mayweather, bagay na hindi sukat-akalain na sa huli ay mahahalinhan nang pagkainis ang kanilang kagalakan.

Pagkatapos ng Round 8, bigla na lamang nawalan ng signal ang koneksiyon sa dalawang sinehan kaya ang pananabik ng mga tao ay biglang nabahiran nang matinding galit laban sa management ng dalawang sinehan.

Upang mapayapa ang galit ng mga tao, unang sinabihan ng management na maghintay muna at baka magkaroon uli ng signal ngunit natapos ang boksing ay hindi na nagbalik pa.

Dito na muling nagkagulo ang mga tao at lahat ay naglabasan na sa sinehan upang komprontahin ang management na unang nagturu-turuan kung sino ang dapat kausapin na lalong nagpasilakbo sa galit ng mga manonood.

Sa puntong ito ay dumating na ang mga kagawad ng Sta. Maria PNP upang umantabay sa kaguluhan hanggang magdesisyon ang management ng sinehan na i-refund na lamang ang lahat ng ibinayad ng daan-daang manonood.

Micka Bautista

Not really a zero crime rate – PNP

HINDI nahikayat maging ng boksing ang mga kriminal na manatili sa kanilang bahay.

Sa press release, sinabi ng Philippine National Police (PNP), nakapag-monitor sila ng dalawang magkahiwalay na gun-related incidents sa pagitan ng 9 a.m. hanggang 3 p.m. nitong Linggo, habang nagsasagupa sa ring sina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at American Floyd Mayweather Jr.

Sa Tanauan City, dakong 10:45 a.m., isang hindi nakilalang lalaki ang bumaril at nakapatay sa biktimang si Ronnel Villarosa sa Brgy. Pantay Bata.

Sa Sta. Cruz, Laguna, si Julie Isagon dela Pena ay tinamaan ng ligaw na bala habang nasa kanilang bahay at naghihintay ng mga bisita. Siya ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa Metro Manila, sa kabilang dako, ay tahimik at payapa. Walang iniulat ang pulisya na ano mang insidente sa kahapon.

Sinabi ng PNP, sa ibang mga rehiyon ay naging normal din ang sitwasyon.KINOMPIRMA ni Manny Pacquiao na mayroon siyang injury sa kanang balikat bago ang laban nila ni Floyd Mayweather at natalo siya sa pa-mamagitan ng unanimous decision.

Sa press conference ng team Pacqiuao, sinabi ni Pacman na tatlong linggo bago ang kanilang laban ni Floyd ay may naramdaman na siyang problema sa kanang balikat sa kasagsagan ng kanyang pagsasanay.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi siya nakapagpakawala nang malalakas na kanan at magagandang kombinasyon.

Aniya, naramdaman niya ang problema sa kanyang balikat noong third round.

“3rd round, already feel pain in my shoulder. That’s why you saw me back off when I tried combinations,” ayon kay Manny.

Bago ang kanilang laban, hiniling daw ni Manny na magkaroon siya ng “inflamatory shots” para sa kanyang masakit na balikat ngunit hindi ito pinagbigyan ng Nevada Athletic Commission dahil hindi siya nakitaan ng ‘injuries’ sa isinagawang pre-fight evaluation. 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *