Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palaboy na Kano tiklo sa shoplifting

KALABOSO ang isang 51-anyos American national makaraan mag-shoplift ng beauty products kamakalawa ng umaga sa Maynila.

Nahaharap sa kasong theft (shop[lifting) ang suspek na si David Allen James, palaboy sa Bay Walk, Roxas Boulevard, Maynila makaraan mahulihan ng halagang P3,199 halaga ng Olay beauty products na  kanyang inumit sa Robinson’s Supermarket sa Ermita, Maynila.

Nabatid na binitbit nina PO1s Jonathan Yasay at Gringo Ray Baggawan, kapwa nakatalaga sa Pedro Gil Police Community Precint, ang suspek makaraan humingi ng assistance si Jacqueline Antonio, lady guard ng nabanggit na establisimento.

Sa reklamo ni Antonio sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), naganap ang insidente dakong 10:42 a.m. sa Robinson Supermarket.

Aniya, nagpanggap na customer ang suspek at pagkaraan ay palihim na isinilid sa kanyang bag ang Olay products at mabilis na lumabas ng supermarket.

Ngunit hinarang siya at inaresto ng guwardiyang si Antonio.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …