ni Peter Ledesma
SA grand presscon ng “Let The Love Begin” na mapanonood na ang pilot episode starting Tonight (May 4) sa GMA 7 after Pari Koy, pareho namin na-interview ang fresh and soon hottest love team ng GMA-7 na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.
Ang na-witness naming during our interviews, parehong sincere sina Ruru at Gabbi sa kani-kanilang “feelings” sa isa’t isa. Although walang relasyon at close lang sa ngayon ang dalawa pero seryoso si Ruru na kung magkaka-girlfriend siya ay sisiguraduhin raw niyang si Gabbi na, ang kanyang kapartner sa Let The Love Begin. Ang teleseryeng hindi lang maganda ang istorya kundi kakikiligin pa hindi lang mga young ones kundi maging parents din.
Bongga at agaw-pansin kasi ang karakter dito ni Ai Ai delas Alas na star deejay sa isang FM Station na sobrang na-inlab sa kapwa DJ na si Gardo Versoza. Pero sa bandang huli ay malalaman lang niya na matalik na kaibigan lang pala ang tingin sa kanya ng lalaking minamahal.
Gaganap na nanay ni Ruru si Ms. Ai at si Gardo naman ang tatay ni Gabbi sa serye. Kaya ano na ang mangyayari kapag nag-dalaga’t binata na sina Erick Magtangol (Ruru) at Pia (Gabbi) at magkaka-inlaban sa isa’t isa? Kokontra ba si Ai-Ai at hahadalangan ba ang pag-iibigan ng anak at ni Gabbi na hate niya ang ama. Riot din dito si Ms. Gina Pareño na feel na feel ang pagiging mother ni Ms. Ai at Lola ni Ruru.
Dahil parehong babaeng bakla sina Ms. Ai at Ms. Gina sa kanila pa lang ay tiyak na maaaliw na ang televiewers. Ka-join rin sa casts sina Mark Anthony Fernandez, na magkakaroon ng kaugnayan kay Ms. Ai, Donita Rose bilang stepmom ni Gabbi, Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Noel Trinidad, Phytos Ramirez, Abel Estanislao, Rita Daniela, Nomer Limatog, AR Angel Aviles at marami pang iba.
Ang premyadong aktres at director na si Ms. Gina Alajar ang director ng serye, na mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.
Oh! Let the love begin na gyud!
THE SINGING LAWYER ATTY. FERDINAND TOPACIO, RICHARD MERK, RANNIE RAYMUNDO AT DENIECE CORNEJO MAPANONOOD TONIGHT SA CONCERT NA “PRIMO@PRIMOS”
Sumasabay sa kanyang pagiging in-demand lawyer sa bansa ang pagiging concert artist ni Atty. Ferdinand Topacio. Hayan at pagkatapos magkaroon ng one month show last March sa ARUBA Resto Bar sa Metrowalk Ortigas na naging successful, tonight (May 4) ay mapapanood muli si Atty. Topacio sa Primos Cuisine and Lounge para sa kanyang “Primo@Primos Concert” na special guests ang mga kaibigang legend na sa music industry na sina Richard Merk at Rannie Raymundo. Big surprise din ang pinaka special na guest ng Lawyer for All Seasons (Atty. Topacio) na si Deniece Cornejo na first time na tutugtog ng violin. Sa rehearsal pa lang ay napahanga na ni Deniece si Atty. Ferdie sa galing niya sa violin na kanyang ipamamalas sa kanilang special show kung saan guest din sina Danny Pangilinan at Kristine Virtucio at may special participation naman si Emcy Corteza. Tiyak na mag-eenjoy ang lahat sa inihandang repertoire ni Atty. Topacio na ilang beses nang pinatunayan sa kanyang mga performance ang husay sa pagkanta ng mga classic jazz song. Sina Richard at Rannie ay ilang dekada nang subok ang galing bilang mga performer. Pero siyempre tiyak na aagaw ng eksena sa concert sina Atty. Ferdie at Deniece dahil siguradong sa kanila nakatutok ang atensiyon ng crowd.
I’m really excited na to watch this gyud!