Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian at Heart, tiyak na magkakasama sa campaign sorties

 

ni Ronnie Carrasco III

050415 heart chiz marian dingdong

THIS early, the incumbents, reelectionists and political wannabes are gearing up para sa national elections next year.

Isa sa mga matunog na mamanukin ng Liberal Party para sa senatorial line-up nito ay si Dingdong Dantes. Bagamat wala pang kompirmasyon o pagtanggi si Dingdong tungkol sa kanyang plano, ang pre-nuptial video nila ng kanyang bride-to-be last year was already a telling sign of his political agenda.

In the video, makikitang ka-rubbing elbows ng aktor ang ilang mamamayan, scenes that would clearly suggest his hobnobbing with the common tao, specifically mga botante.

So, ano ang showbiz implications ng pagtakbo ni Dingdong sa pagka-senador? Since nasa ilalim siya ng partido Liberal, magkasama sila ni Senator Chiz Escudero sa 12 senatorial slate, Chiz being the husband of Heart Evangelista na “best friend” ng misis ni Dingdong.

Siyempre, in many campaign sorties ay hindi imposibleng magkrus ang landas ni Heart at ng dyowa ni Dingdong who will already have given birth by then.

Ang tanong: sa panahon kayang ‘yon ay may maganap na reconciliation between the two married women? Ang alam namin, wala namang problema on Heart’s part.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …