Sunday , December 22 2024

Kinidnap na mayor ng Naga, hawak na ng Sulu based ASG

HAWAK na ng Sulu based Abu Sayyaf Group ang dinukot na alkalde ng Naga, Zamboanga Sibugay.

Ito’y batay sa intelligence report na nakuha ng AFP Western Mindanao Command.

Sa pakikipag-ugnayan kay Western Mindanao Command (Wesmincom) chief, Lt. Gen. Rustico Guerrero, kanyang sinabi na nakatanggap sila ng report na hawak na ngayon ng ASG ang alkalde.

“We have received reports about her (Mayor Gemma Adana) presence in the hands of ASG in Sulu,” pahayag ni Guerrero.

Sinabi ni Guerrero, suportado ng militar ang hakbangin ng PNP sa Western Mindanao sa pakikipagtulungan ng local government unit (LGU) para sa paglutas sa pagkidnap kay Naga Mayor Gemma Adana.

Una rito, nakatanggap ng report ang militar na humihingi ng P100 milyong ransom ang bandidong grupo kapalit ng kalayaan ni Adana.

Ngunit hindi pa validated ang nasabing report.

Sa kabilang dako, kinompirma ni Naga Councilor Julius Cayon, head ng crisis management committee, na sa ngayon ay nahihirapan sila sa impormasyon kaugnay sa alkalde lalo’t nasa Sulu na siya ngayon.

Ayon kay Cayon, ang pamilya ng alkalde sa ngayon ang may hawak sa sitwasyon, wala rin siyang ideya sa kung ano na ang takbo ng negosasyon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *