Friday , November 15 2024

Imoral ang pagluluwas ng lakas paggawa  

USAPING BAYAN LogoHANGGA’T nananatiling naghihirap ang bayan at patuloy na iniaasa ng pamahalaan sa overseas Filipino workers (OFWs) ang ating ekonomiya ay magkakaroo’t magkakaroon tayo ng marami pang Mary Jane Veloso.

Habang ang mga OFW ang pangunahing kalakal pangluwas sa ibang bansa ng ating pama-halaan ay mauulit at mauulit ang pambibiktima sa ating mga kababayan ng mga mapagsamantalang recruiters, abusadong employers at sindikatong kriminal. Halos walang ipinag-iba ang konteksto nito at parehong immoral ang ganitong kalalaga-yan kompara sa tinatawag na “slave trading” noon na pinangunahan ng mga Ingles at Olandes.

Bilang isang bansa na masasabing maka-Di-yos at dominado ng mga Kristyano ay kakatwang ang pagluluwas ng lakas paggawa ang pa-ngunahing negosyo ng ating pamahalaan. Ultimong mga programa sa mga eskwelahan at karunungang ipinamamahagi sa bayan ng Department of Education at Commission on Higher Education ay nakatuon para maging “globally competitive” ang ating mga mamamayan na ang katumbas na ibig sabihin sa panahon ngayon ay “mahusay at masunuring OFW.”

Simula nang inumpisahan ang programa na pagluluwas ng lakas paggawa noong dekada 70 bilang tugon sa oil crisis ay patuloy na lumalaki ang bilang ng ating mga kababayan na napapahamak sa ibayong dagat dahil na rin sa mga samo’t saring kadahilanan at dumarami rin ang mga pamilyang nasisira. Noong una ay pansamantala lamang ang programang “labor exportation” ngunit dala na rin ng katamaran o kakitiran ng isip ng mga namumuno ay naging permanente ito.

Kailangan nating gawing industriyalisado ang Pilipinas at ang yaman ng bansa ay dapat na makatarungang ipamahagi upang maging daan ito sa pag-ahon natin mula sa kahirapan. Industriya ang lilikha ng yaman at ang yamang ito ay dapat pakinabangan ng lahat. Dangan kasi, sa ngayon ang yaman ng bansa ay pinagpapasasaan lamang ng 100 pamilya habang ang 17 milyong pamilyang Pilipino ay nakanganga. Ang yaman na ipinagmamalaki ng kasalukuyang es-pesyal na administrasyong Aquino ay exclusive lamang para sa mayayaman.

Industrialisasyon at “equitable wealth distribution” lamang ang paraan upang matigil ang pagsasakripisyo ng mga tulad ni Mary Jane Veloso.

* * *

Habang isinusulat ko ang kolum na ito ay ipi-nagdiriwang ng mga manggagawa ng daigdig ang Mayo 1 bilang araw ng mga tunay na lumilikha ng yaman. At habang nakikiisa ako sa pagdiriwang na ito ay binalikan ko ang kasaysayan ng awiting Internationale, ang pandaigdigang himno ng mga manggagawa. Naalala ko tuloy ang mga kasama na hanggang ngayon ay nag-aambag ng lakas at talento sa kani-kaniyang paraan para sa bayan.

Mabuhay kayo…mabuhay tayo. Ituloy ang pagkilos at pag-oorganisa hanggang ang laya ay makamtan.

Mabuhay ang uring manggagawa.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

 

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *