Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erich at Daniel, ‘di pa umamin, super sweet naman sa mga picture

ni Alex Brosas

042515 erich gonzales daniel matsunaga

PATULOY ang eklatan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na there’s friendship lang between them.

How can that be, eh, halos magkasama sila araw-araw. Kulang na lang ay gawin nilang diary ang kani-kanilang Instagram account sa pagpo-post nila ng photos.

In one photo, sweetly ay pinasalamatan ni Erich si Daniel and said, ”THANK GOD I FOUND YOU.

Sa Instagram page niya, sinabi ni Erich na, ”Every second with you is an adventure e&ï¸ #roadthatneverends.”

Si Daniel, nag-deny na there’s something romantic brewing between him and Erich.

Talaga lang, ha.

Naku, Daniel and Erich, magpakatotoo na kayo, ’no! aminin n’yo nang magdyowa na kayo, mas magmumukha pa kayong honest.

By denying that you’re not yet a couple pero sabay-sabay naman ninyong ipinangangalandakan ang sweet moment photos ninyo sa Instagram ay nagmumukha lang kayong sinungaling.

Tigilan n’yo na sa panloloko ang fans ninyo. Aminin n’yo na magdyowa na kayo para magkaroon kayo ng sense.

Ang feeling namin, ayaw lang umamin ni Erich dahil sasama ang image niya sa publiko. Lalabas kasi na kaya niya iniwan ang businessman-boyfriend ay dahil kay Daniel.

Si Daniel naman, ayaw matawag na kontrabida dahil lumalabas nga namang sinulot niya si Erich sa boyfriend nito.

PR HEAD NG SIETE, UNDER INVESTIGATION DAW

UNDER investigation daw si Angel Javier dahil mayroong nagreklamo kay Joey Abacan na may favoritism ang head ng PR ng Siete.

Sinabi raw ni Joey sa kausap niyang writer na paiimbestigahan niya si Angel para malaman kung totoong mayroon itong favoritism.

Actually, ang mga close lang kay Angel ang palaging naiimbitahan sa mga pa-presscon ng Siete, ‘yun lang friends niya. Kapag malayo sa ‘yo ang loob ni Angel ay asahan mong isang buong taon ka niyang hindi iimbitahin.

Any comment, Angel?

Anyway, palpak naman ang mga PR effort ng Siete. We’re saying this dahil nangungulelat pa rin sa ratings ang mga programa nila. Ang umaariba lang yata ay ang show ni Miguel Tanfelixat ang kay Barbie Forteza, the rest ay sa kangkungan na pinupulot ang ratings. Maski ang teleserye ng sinasabi nilang Primetime King kuno na si Dingdong Something ay hindi rin nagre-rate.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …