Thursday , December 26 2024

Back to reality

00 Kalampag percyBALIK na sa normal ang buhay ng mga Pinoy matapos magapi ni Floyd Mayweather si Manny Pacquiao.

Magsisiuwi ang mga politiko sa ating bansa na laglag ang balikat dahil malaking bahagi ng kanilang kinurakot sa bayan ang natalo sa pustahan.

Tiyak na babawiin nila ang kanilang natalong kuwarta sa mahihirap, lalo na’t ilang buwan na lang ay kailangan nilang gumasta para sa kanilang kam-panya sa 2016 elections.

Ang ibig sabihin nito, madaragdagan na naman sigurado ang huhuthutin ng mga politiko sa mga sidewalk vendor, driver at samo’t saring pakulo na naman ang ikakasa para madagdagan ang kanilang delihensiya.

Noon lang nakalipas na Enero ay halos umi-yak ng dugo ang mga politiko para lang makapagpanggap na banal dahil nasa Filipinas si Pope Francis.

Nilaspag nila ang Santo Papa sa pagpapakuha ng retrato habang nagmamano o nakikipagkamay sa kanya.

Pero makaraan ang tatlong buwan ay nagkandarapa naman sila na magpunta sa Amerika para manood ng boksing at pumusta nang malaking halaga.

Ano ba talaga ang silbi ng batas na Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees?

Malinaw na nakasaad dito na dapat ay mamuhay nang payak ang LAHAT ng kawani at opisyal ng gobyerno.

Siyento por siyentong hindi bahagi ng simpleng pamumuhay ang panonood ng mga politiko ng labang Pacquaio-Mayweather sa Las Vegas.

Ano kaya ang masasabi rito ng Ombudsman at Bureau of Internal Revenue (BIR)?

Habang nagpapakahirap ang mayorya ng po-pulasyon na iraos ang araw-araw na buhay, ang mga inihalal nilang mga serbisyo-publiko ay walang inatupag kundi ang personal na kasiyahan.

Tama ang Santo Papa na talagang malala ang korupsiyon at laganap ang kahirapan sa ating bansa.

Kung nanalo si Pacquiao, tiyak na mag-uunahan sanang magpakuha ng retrato ang mga hinayupak na politiko na kanilang gagamiting propaganda para umepal sa publiko.

Sayang!

Nabigong pagsakay sa tagumpay

HALOS ipangalandakan sa buong mundo ng mga opisyal ng Filipinas na nasa tabi sila ni Pacquaio bago ang kanyang laban.

Nariyan si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na halos ipagsigawan sa buong mundo na nabigyan siyang muli ng US visa matapos ang mahigit isang dekada.

Kalkulado ng mga bayarang abogado ni Erap kung paano ilusot ang paglabag sa batas ng kanilang kliyente.

Lumipas na pala ang panahon na pwedeng panagutin si Erap sa Dacer-Corbito double murder case dahil nang asuntuhin siya ng mga anak ng pinaslang na kumpare niyang si Bubby Dacer sa US, hindi niya tinanggap ang summons ng US district court kaya hindi siya nalitis.

Tanging si dating police Col. Michael Ray Aquino lang ang niitis, at nahatulan na magbayd ng $4.2 milyong dolyar na danyos sa pamilya Dacer.

Napako na rin ang pangako ni De Lima na pag-aaralan ang pagbubukas muli ng kaso ni Dacer dahil sa US ruling.

Maging ang espionage case na sinabitan ni Erap sa US noong panahon ni GMA, nabalewala na rin dahil solong binalikat ito nang binayaran ni-yang mag-espiya para sa kanya na si dating FBI analyst Leandro Aragoncillo.

Kung umasta si Erap ngayon, animo’y tiwalang-tiwala si Unce  Sam sa kanya.

Abangan natin kung paano ikalakal ni Erap sa kanyang publisidad ang bagong US visa.

Hintayin din natin kung hanggang saan at kailan ka-yang paglaruan ni Erap ang mga batas hanggang malasap niyang muli ang pagbangon ng mga mamamayan na sawang-sawa na sa kanyang kabuhu-ngan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *