Sunday , December 22 2024

88 pinoy sa death row posibleng makalusot sa bitay – Palasyo

MAAARING makaligtas sa tiyak na kamatayan ang 88 Filipino na nakapila sa death row sa iba’t ibang bansa kapag nagpakabait sila sa loob ng dalawang taon suspension nang pagbitay sa kanila.

Ito ang pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kaugnay sa mga Filipino na nahatulan ng parusang kamatayan, na sa Kingdom of Saudi Arabia ay 28; isa sa Kuwait; 21 sa China; isa sa Indonesia; 34 sa Malaysia; isa sa Thailand, at dalawa sa Amerika.

Aniya, may umiiral na two-year reprieve sa death sentence o suspendido sa loob ng dalawang taon ang pagbitay sa 88 Filipino at pagkatapos ng sentensiya ay maaaring mabawasan o commuted to life imprisonment for good behavior.

“So ‘yon po ay opsi-yon at kondisyon depende po sa mabuting behavior na ipapakita ng mga nasentensiyahan, at ayon din po sa DFA, lahat ng mga deathrow ca-ses ay kasalukuyang on appeal,” dagdag niya.

Ani Coloma, Inasatan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tiyakin na naihahatid sa kanila ang lahat ng suporta alinsu-nod sa Assistance to Nationals (ATN) program, kasama ang pagbibigay ng legal assistance at ang paghahain ng mga apela na idinadaan sa diplomatic channels.

“Doon naman sa preventive side, nagsasagawa po ang pamahalaan ng extensive education and information campaign sa pangunguna ng Department of Labor and Employment at ng mga ahensya nito, at naki-kipag-ugnayan din po ang Philippine Information Agency at ang mga government media organizations,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Aquino na posibleng makaligtas din sa bitay si Filipina drug convict Mary Jane Veloso depende sa pakikipagtulungan niya sa mga awtoridad sa pagbibigay ng mga impormasyon laban sa sindikato ng droga na bumiktima sa kanya.

Matatandaan, sinuspinde ni Indonesian Pre-sident Joko Widodo ang pagbitay kay Veloso nang makiusap si Pangulong Aquino at sinabi sa kanya na pumayag na ang Filipina drug convict na maging state witness laban sa nag-recruit sa kanya bilang drug mule.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *