Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 karnaper timbog sa Oplan Lambat-Sibat

LAGUNA – Arestado sa isinagawang “Oplan Lambat Sibat” ng pinagsanib na elemento ng Sta. Rosa City PNP Laguna Highway Patrol Group (HPG) at Provincial Intelligence Branch (PIB) 1st District, ang dalawang itinuturong miyembro ng carnapping group sa bahagi ng National Hi-way, Brgy. Balibago, lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Batay sa isinumiteng report ni Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng pulisya, kay Acting Laguna PNP Provincial Director, Senior Supt. Florendo Saligao, kinilala ang mga naaresto na sina Dennis Divina, at Eduardo Fernandez, residente ng lungsod ng Sta. Rosa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 9:40 p.m. nang magsagawa ng surveillance operation sina Maclang; HPG chief, Chief  Insp. Arnel Pagulayan, at PIB team leader ng 1st district na si Insp. Cabanillas, at kanilang mga tauhan, sa SG-TEN Trading Repair Shop.

Ito ay kaugnay nang namataang alarmadong kinarnap na Toyota Vios (AAC-9672) na pag-aari ng biktimang si Michael Angelo Ocampo, 24, service adviser, ng lungsod ng Calamba, na kinarnap nitong nakaraang linggo.

Agad silang naglatag ng magkahiwalay na checkpoint sa lugar at mabilis na nadakip si Fernandez habang lulan sa minamaneho niyang kinarnap na kotseng Toyota Vios.

Si Divina na nagpakilalang opisyal ng PNP, ay nahuli habang minamaneho ang isang Honda City (AAY-9971).

Kapwa nakapiit na ang mga suspek sa Sta. Rosa City PNP Lock Up Cell at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya.

Boy Palatino

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …