Saturday , November 23 2024

Pamilya Veloso inupakan ng netizens

00 pulis joeyKUNG sa akala ng pamilya ng convicted “drug courier” na si Mary Jane Veloso ay aani sila ng simpatya sa pag-etsapuwera at pagtuligsa kay PNoy matapos mailigtas “temporarily” sa bitay ang huli ay nagkamali sila…

Negative ang naging dating nito sa mamamayan.

Sa social media, sa mga website na nag-post ng istorya ng pag-etsapuwera o pag-discredit ng pamilya Veloso sa ginawa ng Aquino administration at pagpuri nang todo-todo sa militanteng Migrante International, ay inupakan ng netizens ang ama, ina at mga kapatid ni Mary Jane na nagpahayag ng kabastusan laban kay PNoy.

Sabihin ba naman ng pamilya Veloso na walang ginawa si PNoy sa pagligtas kay Mary Jane. Ang Migrante raw ang nagligtas kay Mary Jane. Gaganti raw sila kay PNoy!

Nakalimutan ng pamilya Veloso na ang nag-ayos ng kanilang mga dokumento at gumastos para makapunta sa Indonesia ay gobyernong Aquino.

Nakalimutan ng pamilya Veloso na sa salita ni PNoy ay nagkumahog ang mga ahensiya ng gobyerno para maagaw sa kagyat na kamatayan si Mary Jane.

Nakalimutan ng pamilya Veloso na ang huling tao na nakausap ng presidente ng Indonesia ilang minuto bago bitayin (sana) si Mary Jane ay si PNoy.

Oo, nandoon na tayo sa Migrante na ilang araw at ilang gabi silang nagbarikada sa harap ng Indonesian Embassy. Nakatulong ito ng malaki para ma-pressure din ang gobyerno at mapukaw din ang atensiyon ng Indonesian government. Pero at the end, ang gobyernong Pilipinas pa rin ang pinakinggan dito ng Indonesian government.

Dahil balido naman talaga ang rason ni PNoy na huwag munang ituloy ang pagbitay kay Mary Jane dahil sa bagong development sa kaso ng drug convict. Ito nga ‘yung pagsuko ng recruiter ni Mary Jane na si Maria Kristina Sergio matapos kasuhan ng Department of Justice (DoJ).

Ang hindi pagbitay kay Mary Jane noong Abril 29 ng madaling araw ay hindi nangangahulugan na siya’y pinawalang-sala na o pinababa ang kanyang kaso. Nandoon pa rin ang parusang bitay. Ipinagpaliban lang ang pagpatupad ng firing squad dahil nga sa bagong development ng kaso. Kakailanganin kasi ng DoJ si Mary Jane para tumestigo laban kay Sergio sa kasong human trafficking.

Alam ito ng netizens. Kaya brutal ang mga naging komentaryo laban sa pamilya Veloso. Wala raw utang na loob at ubod nang yabang at bastos!

Anyway, maaring na-brainwash lamang ang pamilya Veloso ng militanteng grupo para magsalita ng masasakit laban sa presidente ng Pilipinas.

Ang ikinababahala natin dito, baka mabuwisit si PNoy at ipatigil sa DoJ ang pagsulong ng kaso laban sa illegal recruiter ni Veloso at hayaan na lang mabitay ang huli.

May magagawa ba rito ang Migrante na hanggang pagsisigaw lang sa kalye ang kayang gawin?

Kaya isip-isip din Nanay Celia, Tatay Cesar at Sister Darling… Isipin ninyong ang pagpunta sa Malaysia to Indonesia ni Mary Jane ay ilegal, hindi dumaan sa tamang proseso. Hindi siya pumunta sa mga naturang bansa para maging OFW kundi pumunta siya roon bilang turista lamang. Inisahan niya ang gobyerno.  Hindi po ba? Si Mary Jane, kayo po ang gumawa ng problema hindi si PNoy, hindi ang ating gobyerno.

Marami ang hindi natuwa sa naging asal ninyo! Mga bastos kayo, sabi ng netizens!

Pero salamat pa rin sa Migrante at malaki rin naman talaga ang nagawa nila para gisingin si PNoy sa pagka-noynoying. Pero huwag n’yo namang i-discredit ang ating gobyerno sa naging effort nito para pansamantalang mailigtas sa firing squad si Mary Jane Fiesta Veloso.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *