Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Araw ng mga Manggagawa: Obrero dumaing (Mababa ang sahod, kulang ang benepisyo, at talamak ang kontraktuwalisasyon)

050215_FRONT

ni Leonard Basilio.

DAAN-DAANG militante ang lumahok sa kilos-protesta sa Mendiola Peace Arch sa Maynila bilang paggunita sa Labor Day.

Bago nagmartsa patungong Mendiola, nagtipon muna ang mga demonstrador sa España, Manila City Hall, Liwasang Bonifacio sa Lawton at iba pang lugar.

Sumama rin sa pagkilos ang mga grupo mula sa Southern Tagalog at iba pang karatig lalawigan.

Panawagan ng nasabing grupo na tugunan ang mga suliranin ng labor sector kabilang na ang mababang suweldo, kawalan ng benepisyo at talamak na contractualization.

Pansamantalang naparalisa ang trapiko sa intersection ng Mendiola, Legarda at C.M. Recto dahil na rin sa bulto ng mga nakiisa sa pagkilos.

(May kasamang ulat nina Mary Joy Sawa-an, Darwin Macalla at Joshua Moya)

MABABANG WELGA IBINIDA NI PNOY

IPINAGMALAKI ni Pangulong Benigno Aquino III na bumagsak nang husto ang bilang ng mga welga ng mga manggagawa sa panahon ng kanyang administrasyon dahil mas maayos ngayon ang relasyon ng mga obrero sa mga kapitalista.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang Labor Day speech sa Naga City, Cebu kahapon, 12 welga lang ang naitala ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula noong 2010 kompara sa 259 noong nakaraang administrasyon.

“Parang nanay siyang talagang inaasikaso ang lahat, parang titingnan niyo, sektor ng manggagawa, sektor ng management… lahat anak niya. Talagang pinipilit niyang gawin para nga magkaroon tayo nitong harmony,” aniya hinggil kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Kaugnay nito, umaasa ang Pangulo na agad maresolba sa mapayapang paraan ang labor dispute sa Kepco-SPC Power Corp.

Hinihiling ng unyon ng mga obrero sa Kepco na kilalanin sila ng management at maibalik sa trabaho ang sinibak na supervisor noong Marso.

“Dapat maresolba natin sana sa mas mahinahon na hindi nga disruptive. KEPCO ‘di ba is a power producer di ba. Medyo importante ang power for the continued growth of the economy. Especially in Cebu,” sabi ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

PNOY SINALUBONG NG PROTESTA SA CEBU

CEBU CITY – Sinalubong ng kilos protesta ang pagpunta ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Cebu para sa pagtitipon kaugnay sa Labor Day celebration.

Sa itinerary ng presidente, dumalo siya sa isang job fair sa J. Mall sa lungsod ng Mandaue, Cebu at pagkatapos ay pumunta sa Philippine labor market forum sa bagong tayong gusali ng University of Cebu Medical Center.

Itinakda ring magbigay ng talumpati ang pangulo at magsasagawa ng tour sa bagong pasilidad ng cement plant sa lungsod ng Naga, Cebu.

Nabatid na binulabog ng mga raliyesta ang kalsada kung saan dumaan ang pangulo.

Nagawang mag-ingay at magbitbit ng mga plackards ang mga dumalo kaugnay sa kapalpakan ng kanyang administrasyon.

Hindi gaanong nakalapit ang mga nagpoprotesta dahil sa dami ng mga pulis na nagsagawa ng human barricade at may nakaantabay pa na firetruck.

DOLE JOB FAIR SA PASAY DINAGSA

DINUMOG ng mga aplikante ang job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Pasay kahapon, Labor Day.

Nasa 30,000 vacancy ang alok sa naturang fair sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum sa Vicente Sotto Street.

Payo ng DoLE sa mga aplikante, tiyaking nasa maayos na kasuotan at may mga nakahandang kopya ng requirements at resumé.

Karaniwan anilang isinasabay ang on-the-spot interview at may mga kompanyang agarang tumatanggap ng mga aplikante.

Tampok din sa event ang one-stop shop para sa mga nais mag-ayos ng kanilang government documents tulad ng birth certificate, marriage certificate, NBI clearance, postal ID at iba pa.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …