Friday , November 15 2024

Pamilya Veloso masama ang loob sa gobyerno

050215 veloso

SA pagbabalik-Filipinas naglabas ng hinanakit ang pamilya at mga abogado ni Mary Jane Veloso hinggil sa anila’y kakulangan ng tulong ng gobyerno.

Giit ni Celia Veloso, ina ni Mary Jane, sisingilin na nila ang pamahalaan na aniya’y nanloko sa kanila sabay patutsada kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“Dumating kami rito sa Filipinas para maningil… Marami kaming pautang e kaya lang hindi pera, pautang sa gobyerno natin dahil hanggang sa huli niloko kami,” ani Ginang Celia.

“Sinabi niya na ibinabalita na niya sa buong mundo na sa kanya nanggaling ang pagkabuhay ng anak ko kaya nakaligtas sa bitay, hindi po totoo ‘yun… Kaya humanda kayo ngayon, nandito kami para lumaban sa inyo, haharapin namin kayo.”

Habang pasasalamat ang mensahe ni Ginang Celia sa National Union of Peoples’ Lawyers in the Philippines (NUPL), grupong Migrante, media at mga mamamayang tumulong sa kanila para maisalba ang buhay ni Mary Jane, na binigyan ng last-minute reprieve ng Indonesia.

“Kung hindi sa inyong tulong, hindi ko alam, baka nawalan na ako ng bunso.”

Samantala, paghimay ni Connie Regalado ng Migrante, sa pagkukulang ng pamahalaan, tanging timeline sa kaso ni Veloso ang ibinigay sa kanila ng Department of Foreign Affairs (DFA) at walang kopya ng court documents.

Samantala, ani Regalado, bagama’t hinarap sila ng mga opisyal ng embahada ay wala aniya silang napala kina Philippine Consul General Robert Manalo at Ambassador Maria Lumen Isleta.

Sinegundahan ito ni Garry Martinez ng Migrante, sa pagsasabing nanahimik ang gobyerno sa kaso ni Veloso sa nakalipas na limang taon.

Dapat na aniyang alisin sa puwesto ang mga opisyal partikular si Consul General Manalo.

Nanawagan din si Martinez kay PNoy na tanggapin ang hamong harapin ang Pamilya Veloso.

VELOSO MAILILIGTAS ‘PAG KUMANTA VS DRUG SYNDICATE

050215 de lima acosta sergio veloso

INILUWAS ng mga tauhan ng Cabanatuan police patungo sa PNP GHQ sa Camp Crame sa Quezon City ang sinabing sumukong recruiter ni Mary Jane Veloso na si Maria Kristina Sergio. Kasama ni Sergio ang kanyang abogadong si Atty. Percida Acosta ng Public Attorneys’ Office (PAO) nang humarap kay DILG Secretaray Mar Roxas, PNP chief, Gen. Leonardo Espina at Justice Secretary Leila De Lima.  (ALEX MENDOZA)

ANG mga ikakantang impormasyon ni Filipina drug convict Mary Jane Veloso kaugnay sa sindikato ng droga ang posibleng magligtas sa kanya sa bitay, ayon kay Pangulong Benigno Aquino III.

Sa isang ambush interview sa Naga City, Cebu kahapon, sinabi ng Pangulo na kung makikipagtulungan si Veloso sa pag-usad ng kaso para madakip, malitis at masenstensiyahan ang mga miyembro ng drug syndicate na bumiktima sa kanya, maaaring mapalawig pa ang kanyang buhay.

Tiniyak ng Pangulo na hahabulin ng gobyerno ang mga sindikato hanggang kung saan umabot ang mga ebidensiya para malitis at mahatulan ang mga nagkasala.

“Hahabulin natin kung hanggang saan umabot ‘yung ebidensiya para ma-prosecute ‘yung mga nagkasala at in that sense, baka para maituro na rin ‘yung other linkages with the alleged another foreigner who passed the drugs to her. Baka we might get hints. We might be able to capture them or other members of the syndicate. And if Mary Jane becomes very very helpfulý in the process, well that might be a basis for extending some clemency,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

KAMPO NI MJ NAGHAHANDA NA SA PRELIM PROBE VS RECRUITER

NAGHAHANDA na ang kampo ni Mary Jane Veloso kaugnay ng itinakdang preliminary investigation ng Department of Justice (DoJ) laban sa sinasabing illegal recruiter na si Maria Kristina Sergio.

Ayon kay Atty. Edre Olalia ng National Union of Peoples’ Lawyers in the Philippines (NUPL) na kababalik lang ng Filipinas kasama ang pamilya Veloso mula sa Indonesia.

Sinabi ni Olalia, tatayo silang taga-NUPL bilang private prosecutor ni Veloso sa pagdinig sa Mayo 8 at 14.

Tatayong complainant at witness sa kaso si Veloso ngunit makikipag-ugnayan pa ang mga abogado sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para mabilis na makuha ang testimonya ni Mary Jane mula sa Indonesia.

“Makikipag-coordinate tayo sa mga kinauukulang mga ahensiya ng gobyerno, halimbawa ‘yung DoJ, DFA, ‘yung PDEA tapos ‘yung Inter-Agency Council Against Trafficking at iba pa para malaman ‘yung pinakamabilis, pinakamaayos, pinakamasinop na pamamaraan para makuha ‘yung buong salaysay ni Mary Jane,” ani Olalia.

Siwalat din niya, bukod kay Veloso, may tatlo pang biktima si Sergio at live-in partner na si Julius Lacanilao, na natunton ng grupong Migrante at panunumpaan ang salaysay.

Dagdag-akusasyon ni Olalia, gumagamit ng ibang pangalan si Sergio at madalas bumiyahe sa ibang bansa.

Bahagi aniya ng imbestigasyon, “Bibigyan ng pagkakataon sina Tintin (alyas ni Sergio) at Julius na sagutin ‘yung mga reklamo tungkol sa human trafficking.”

 

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *