NANANATILING pinakamayamang kongresista si Filipino boxing superstar at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.
Sa inisyal na impormasyon, halos P2 bilyon ang yaman ni Pacman na kinita niya mula sa pagboboksing.
Si Pacquiao din ang isa sa itinuturing na top taxpayers, nagbayad siya nang mahigit P160 milyong buwis.
Samantala, may pinakamababang asset record sa Kamara si Anak Pawis Rep. Fernando Hicap.
Nagdeklara siya sa kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN) ng mahigit P95,000.
Walang liability si Hicap dahil hindi siya nag-loan sa buong taon.
Kasama sa nakatala niyang assets ang P90,000 na cash in bank at appliances na nagkakahalaga lamang ng P5,000.
Lumalabas na tumaas pa ang assets ng party-list solon kompara sa nakadeklara niya sa 2013 SALN na P37,000.