ANG pagkakaligtas kay Mary Jane Veloso sa kamatayan ay indikasyong mananalo si eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Floyd Mayweather Jr.
Ayon sa kilalang sports analyst na si Quinito Henson, ‘blessing’ para kay Pacman ang nangyari kay Veloso.
Aniya, dahil sa kapangyarihan ng panalangin mula sa mga kababayang nagmamahal kay Mary Jane ay hindi natuloy ang firing squad sa kanya.
Bagama’t hindi lamang si Pacquiao ang dapat pasalamatan sa kaso ni Veloso, malaking epekto ang naging panawagan ng boksingero sa pamahalaan ng Indonesia.
Dagdag ni Henson, kung si Mary Jane ay nabigyan ng bagong buhay, ganoon din ang gagawin ng sambayanan kay Pacquiao sa malaking laban na haharapin ng Filipino boxing idol.
Gagabayan aniya ng Diyos si Pacman na maging ‘injury free’ dahil alam niya kung paano tatalunin si Mayweather.