Sunday , December 22 2024

Mababang welga ibinida ni PNoy

050215 rally protest pnoy

LABOR DAY. Nagtipon sa paanan ng makasaysayang Mendiola ang ibat’ibang mga militranteng grupo upang batikosin ang administration Aquino dahil lalo pa umanong nadagdagan ang mga walang trabaho sa kabila ng ipinatutupad na contractuallization sa mga manggagawa  habang ginugunita ang dakilang Araw ng Paggawa kasabay na pinagbabato ng kamatis ng mga raliyista ang larawan ng mukha ng Pangulo. (BONG SON)

IPINAGMALAKI ni Pangulong Benigno Aquino III na bumagsak nang husto ang bilang ng mga welga ng mga manggagawa sa panahon ng kanyang administrasyon dahil mas maayos ngayon ang relasyon ng mga obrero sa mga kapitalista.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang Labor Day speech sa Naga City, Cebu kahapon, 12 welga lang ang naitala ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula noong 2010 kompara sa 259 noong nakaraang administrasyon.

“Parang nanay siyang talagang inaasikaso ang lahat, parang titingnan niyo, sektor ng manggagawa, sektor ng management… lahat anak niya. Talagang pinipilit niyang gawin para nga magkaroon tayo nitong harmony,” aniya hinggil kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Kaugnay nito, umaasa ang Pangulo na agad maresolba sa mapayapang paraan ang labor dispute sa Kepco-SPC Power Corp.

Hinihiling ng unyon ng mga obrero sa Kepco na kilalanin sila ng management at maibalik sa trabaho ang sinibak na supervisor noong Marso.

“Dapat maresolba natin sana sa mas mahinahon na hindi nga disruptive. KEPCO ‘di ba is a power producer di ba. Medyo importante ang power for the continued growth of the economy. Especially in Cebu,” sabi ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *