Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, tiniyak na manonood si Kurt at pamilya nito sa concert niya

ni Roldan Castro

050115 vice ganda Kurt ong

TUTOK ngayon si Vice Ganda sa kanyang malaking pasabog sa Smart Araneta Coliseum para sa concert na Vice Gandang-Ganda sa Sarili… Sa Araneta E Di Wow! sa May 22.

Makikita ba sa concert ang dyowa niya?

“Wala,” bulalas niya.

“O, eh, ‘di tapos,” dagdag pa niya sabay tawa niya.

Eh, ang na-link sa kanya na si Mr. Chinatown?

“Sino ba yung nasusulat? Si Kurt (Ong)?

“Darating siya, manonood siya at kasama niya yung family niya. Pero hindi ko dyowa ‘yun, I swear,” bulalas niya.

“Bakit ayaw niyang i-reveal kung sino ‘yung Chinese na tinutukoy ni Coco Martin?

“Eh, ‘di kapag inamin ko, may itatanong pa ba kayo? E, di wala na!,” sey niya sabay tawa.

 

WALA PANG GAY NA NAKAPANTAY SA CAREER NIYA

Sinabi pa ni Vice na mas maganda ring hindi niya ilantad sa publiko kung sino ang karelasyon niya dahil nakasisira lang sa career at sa parte ng lalaki. Tanggap niya na may mga tao talaga na mapanghusga at hindi tanggap ang ganitong klaseng relasyon.

Natutuwa na lang si Vice na blessed siya sa career niya. Walang lantad na gay actor na pumantay o narating ang kinalalagyan niya.

”Alam niyo, si Sir Deo (Endrinal Business Unit Head sa ABS), kinakausap niya ako rati. Kapag gumagawa siya ng career plans ko na, ‘I’m giving you two years.’ Una, ang sabi niya pala sa akin, ‘I’m giving you three years.’ Tapos, bago matapos and third year, sabi niya sa akin, ‘I’m giving you another two years.’ Tapos nag-five years na ako, noong huli kaming mag-meeting, sabi niya sa akin, ‘Matagal ka pa.’

“Nabigla nga raw siya, hindi niya nakita. Akala niya, two years. Tapos huling sabi niya sa akin, matagal pa..Kaya masaya… hindi ko rin naman nakita ito ng buong-buong mangyayari. Basta masaya lang, trabaho lang ako nang trabaho, patawa lang ako ng patawa,” deklara niya.

May inamin din si Vice na sa kasikatang ito ay nahihirapan siyang mag-adjust sa personal life. Naikuwento niya na minsan ay nagpunta siya sa mall, mamimili ng painting, magsasara na ang gallery at hinahabol niya talaga. Pero ‘yung mga tao gustong magpa-picture. Nagsabi siya ng pasensiya na at hinahabol niya ang gallery pero sinabihan siyang suplado pala ito sa personal.

 

COCO, MAGBA-BAKLA SA PELIKULA NILA

Sa pelikula naman, nakaplano na ang gagawin nilang movie ni Coco Martin. Excited siya dahil ibang Coco ang mapapanood dito at gagawin niyang bakla. Hindi ‘yung nagpipigil na bakla kundi baklang-bakla na kagaya niya. Pumayag daw si Coco sa deal nila na magpapa-barbie siya, meaning magpapababoy siya kay Vice.

Eh, ‘di wow!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …