ni Ronnie Carrasco III
NO show si Maricel Soriano sa Golden Screen TV Awards last Sunday para tanggapin ang kanyang Outstanding Actress trophy for Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA (it was a triple victory for the Andoy Ranay-helmed teleserye dahil itinanghal na Outstanding Actor si Dingdong Dantes at Outstanding Supporting Actress si Alessandra da Rossi).
Ang ikaanim na parangal na ‘yon para sa TV ay idinaos sa Carlos P. Romulo Auditorium at the RCBC Plaza.
It was direk Andoy, however, who accepted the award on Maricel’s behalf saying, ”Magkasama lang kami ni inay noong isang araw. Sabi ko sa kanya, ‘Uy, nominated ka as best actress sa Golden Screen Awards, a-attend ka ba?’ Sagot niya sa ‘kin, ‘Naku, hindi! Hindi naman ako mananalo roon, eh. Mga bata ang mananalo roon.’”
Ang speech na ‘yon ni direk Andoy took us back in time. Tamang-tama kasing prior to that award ay nakaakyat na si Nora Aunor para tanggapin ang kanyang Outstanding Single Performance in a Telemovie. Ate Guy won TV5’s When I Fall in Love.
Who would forget Ate Guy’s short acceptance speech na, ”Hindi totoo ang hula nila?” Late 70s ‘yon when It was a toss between her and Vilma Santos for the much-coveted Best Performer plum in the MMFF, na Ate Guy (Atsay) bested Ate Vi (Rubia Servios).
Samantala, gabi ‘yon ni Tirso Cruz III who won two awards: Outstanding Supporting Actor for Ikaw Lamang and Outstanding Single Performanceamong the male contenders for the same teledrama na napanalunan ni Nora.
Sa nasabing kategorya, katunggali ni Ate Guy si Alessandra na asang-asa that she would be as doubly victorious tulad ni Tirso. Pero nang malamang nominado rin si Ate Guy, ang nasabi na lang ni Alex ay, ”Ay…!”
Concede ang hitad.