Thursday , December 26 2024

Tinabla si PNoy ng mga Obrero

EDITORIAL logoNGAYONG araw ginugunita ang Labor Day. 

Taon-taon, sa tuwing sasapit ang May 1, kaliwa’t kanang kilos-protesta ang inilulunsad ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa na  kalimitan ay makikitang nagtitipon-tipon sa paanan ng Mendiola Bridge.

Bukod sa paulit-ulit na hinaing ng mga manggagawa, ang usapin sa contractualization ang higit na tumatampok nga-yon dahil sa lupit na idinudulot nito sa mga namamasukan sa pabrika.

Ang contractualization ang dahilan kung bakit hindi maaaring maging regular employee ang isang manggagawa.

Limang buwan lang ang maaaring itagal ng isang obrero at pagkatapos nito maaari na siyang tanggalin sa kanyang trabaho. Ang sikat na katawagan dito ay ‘endo’ o end of contract.

Kaya nga, nagpasya na ang NAGKAISA,  alyansa ng mga manggagawa na i-boycott ang taunang luncheon meeting kay Pangulong Aquino na magaganap sana ngayong araw sa Malacañang.

Sa halos tatlong taon pakikipagpulong ng NAGKAISA kay Pnoy, bigo ang pangulo na  i-certify bilang urgrent ang Security of  Tenure bill na sasagot sa ipi-natutupad na sistemang contractualization sa mga pagawaan.

Nakapanghihinayang,  sa paggunita ng Araw ng Paggawa, walang kakapit-bisig ngayon si Pnoy na mga manggagawa. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *