Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon Cuneta, masaya sa pagbabalik-showbiz

031115 Sharon Cuneta 2

00 Alam mo na NonieNAGPAHAYAG ng kagalakan ang Megastar na si Sharon Cuneta sa magandang pangtangkilik ng viewers sa kanyang unang TV show sa ABS CBN mula nang siya ay magbalik-showbiz.

“Masaya ako dahil patuloy na tinatangkilik ng viewers ang Your Face Sounds Familiar. Lahat ng celebrity contestants, pawang magagaling. Pagaling sila nang pagaling,” pahayag ni Sharon.

Bukod sa Your Face Sounds Familiar, may nakatakda rin daw gawing isa pang TV show sa Dos si Sharon. Bukod sa TV, may balita rin na may niluluto na raw pelikula ang Star Cinema para kay Shawie.

“Hindi ko pa alam sa Star Cinema. I haven’t heard kung ano iyong tunay na project. Laging sinasabi ni Tita Malou (Santos, Star Cinema managing director), ‘Basta mayroon, pinaplano na,’ So, excited na ako,” saad ni Shawie.

Dagdag pa ng batikang aktres, “I’m praying for it, kasi I can be ready tomorrow, the script may not be. Or the script may be ready tomorrow, I may not be. Aside from that, may iba pa akong ginagawa.”

Nagpatikim siya thru social media na mayroong magagandang plano at mangyayari sa kanyang career. Pero ayon sa Megastar, hintayin na lang daw muna ang announcement.

Si Sharon ang recipient ng Dolphy Lifetime Achievement Award: Ulirang Alagad ng Sining sa aming 6th Golden Screen TV Awards sa ENPRESS o Enteratinmenf Press Society Incorporated, na ginanap last Sunday, April 26, sa Carlos P. Romulo Auditorium, sa RCBC Plaza, Makati City.

Nang tanggapin niya ang kanyang award, marami siyang taong pinasalamatan na ayon sa aktres/singer ay naging bahagi ng kanyang tagumpay sa showbiz.

Kabilang dito sina Senator Tito Sotto, Boss Vic del Rosario, ang kanyang Tita Helen Gamboa, ang daddy niya na dating Pasay City mayor Pablo Cuneta, si Gabby Concepcion, ang dating manager niyang si Mina Aragon, at iba pa. Of course, hindi nakalimutang pasalamatan ni Sharon ang kanyang mga anak at ang mister niyang si ex-Sen. Kiko Pangilinan.

ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …