Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sari-sari store inararo ng jeep, 4 sugatan

NAGA CITY – Sugatan ang apat katao kabilang ang dalawang menor de edad, makaraan araruhin ng pampasaherong jeep ang isang tindahan sa Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa.

Nabatid na binabaybay ng jeep na minamaneho ni Jimmy Daria ang kahabaan ng nasabing lugar nang mawalan ito ng preno.

Bunsod nito, hindi nagawang iwasan ni Daria ang sari-sari store na pag-aari ng biktimang si Emma Andaya, 38-anyos.

Sa lakas ng pagsalpok ng jeep sa tindahan, nasugatan si Andaya at ang kanyang tinderang si Reynaldo Baroso, 14-anyos, gayondin ang pasahero ng jeep na sina Princess Wayeth, 9, at Elena Bataler, 56-anyos.

Agad isinugod sa ospital ang mga biktima habang sumuko sa mga pulis ang driver ng jeep.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …